MALAKI ang posibilidad na ilagay sa mas pinaluwag na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng reproduction rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Nakikita natin very likely ‘yun. Nakikita natin na bumababa na ang reproduction rate– Nasa (zero) point 52 percent and then also yung positivity ay bumababa na rin,” ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., na siya ring chief implementer of the National Task Force (NTF) against COVID-19.
Ani Galvez, kasalukuyang nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pandemic response sa mga high-risk areas gaya ng Negros Oriental sa Central Visayas at Zamboanga Peninsula.
“We are very happy na sana sa NCR, tuluy-tuloy na ito at bumababa na ang ating new cases to less than 1,000,” anito.
Gayunman, sinabi nito na ang kapalaran ng alert level sa Kalakhang Maynila ay depende pa rin sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ang Metro Manila sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Oktubre 31. (CHRISTIAN DALE)
189 