ALEX EALA LUMAPIT SA 3RD PRO TITLE

UMUSAD si Filipina netter Alex Eala sa semifinals ng W25 El Espinar/Segovia Huwebes ng gabi makaraan ang pahirapang panalo laban kay Rosa Vicens Mas ng Spain.

Tinalo ng WTA no. 282 na si Eala ang WTA no. 285 na si Vicente S sa dikitang 7-6(3), 7-6(4) sa quarterfinals.

Ito ang fourth semifinals ngayong taon ng 17-year old Pinay, asam makuha ang kanyang third professional title.

Sunod na haharapin ni Eala si Eva Guerrero Alvarez, seeded seventh at kanya nang dinaig sa first round ng W25 Corroios-Seixal ilang linggo lang ang nakalilipas.

189

Related posts

Leave a Comment