ALTERNATIBONG PANGGAGAMOT INILUNSAD NG DOH-CALABARZON

BINUKSAN na ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa publiko ang kauna- unahang center na nag-aalok sa makalumang pamamaraan ng panggagamot.

Sinabi ni DOH-Regional Director Eduardo C. Janairo, isang magandang alternatibo ang pagbubukas sa publiko ng Traditional Complementary and Alternative Medicine (TCAM) upang sa pagkapanganak pa lamang sa isang bata ay maumpisahan na ang paggagamot sa pamamagitan ng isang traditional at alternative medicine upang hindi sila maging drug dependent.

Dagdag pa ni Janairo, higit na nakabubuti rin ang traditional medicine sa mga nakatatanda upang hindi sila masanay sa pag-inom ng mga gamot.

“Kahit sino pwedeng pumunta dito, may sakit man o wala. Lalo na ang ating mga elderly na mayroong mga dinaramdam at sa mga kababayan natin na gustong magpagamot gamit ang complementary at alternative medicine para hindk sila maging drug dependent.” paliwanang ni Janairo Ayon pa kay Janairo, mainam din na sabayan ng ehesisiyo at tamang pagkain.

“Kaya importante dito ang nutrition, regular exercise at iba pang modalities na pwede nating ipasok sa TCAM kasi ito ang magpapatunay na hindi mo kailangang uminom ng maraming gamot at ‘yung sakit mo sa pagtanda ay mababawasan o hindi ka magkakasakit lalo na kung uumpisahan natin ito during early stages of life,” dagdag pa ng Regional Director.

Kabilang sa mga serbsiyong medikal na inaalok ng TCAM ay ang acupuncture, yoga, ventosa, moxibustion and herbal medicines.

Ang TCAM at sa pakikiisa sa Alliance of Health Oriented Neighbors (AHON), na matatagpuan sa Batangas Medical Center (BatsMC) ay may sariling kuwarto para sa kanilang mini-micro laboratory, spa, assessment at evaluation, yoga at music therapy, medical work out at relief and wellness para sa kanilang mga pasyente. (SIGFRED ADSUARA)

407

Related posts

Leave a Comment