‘ALYANSA’ NANUYO SA PASAY

ISINAGAWA Martes ng hapon ang unang campaign leg ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa National Capital Region (NCR).

Alas-4:00 ng hapon nang muling pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangampanya ng kanyang mga pambatong senador sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dinaluhan din ang okasyon ng mga opisyal ng local government unit bilang pagpapakita ng suporta sa mga kandidato ni Marcos, Jr.

Ang senatorial line up ng Alyansa ay kinabibilangan nina: Makati Mayor Abby Binay, Deputy Speaker Camille Villar, Senator Francis Tolentino, dating senador Manny Pacquiao, Senator Lito Lapid, Senator Pia Cayetano, dating senator Ping Lacson, Senator Imee Marcos, dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, dating DSWD Sec. Erwin Tulfo, dating DILG Secretary Benhur Abalos at Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

Ito na ang ikaapat na kampanya ng Alyansa mula nang magsimula ang campaign period noong February 11. (DANNY BACOLOD)

27

Related posts

Leave a Comment