ALYAS BATMAN SA TANGKANG PAGTAKAS NG 5 CHINESE TINUTUGIS

SA utos na rin ng Department of Justice (DOJ), sinisikap ng Bureau of Immigration (BI) sa tulong ng Philippine National Police (PNP) na matukoy at makuha ang detalye ng tunay na pagkakakilanlan ni alyas Batman, na itinuturong nagmaniobra sa tangkang pagtakas ng limang Chinese fugitives.

Nauna rito, ang limang puganteng Chinese national na sina Ying Guanzhen; Yang Jinlong; Liu Xin; Shen Kan; at Luo Honglin, ay inaresto ng pinagsamang pwersa ng Immigration Intelligence Division at Fugitive Search Unit.

Ang limang Chinese ay konektado sa Lucky South 99 na isang POGO sa Porac, Pampanga na unang ni-raid kamakailan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

March 21 naman nu’ng nagsagawa ng operasyon ang Zamboanga PNP at Languyan Police laban sa isang speedboat mula sa Jolo at nang makarating na sa Tawi-Tawi nasira ang bangka, kaya nahuli ang limang Chinese nationals at tatlong Pilipino.

Gayunman, sinabi ng mga bangkero na hindi nila alam na mga Chinese national ang kanilang mga pasahero, at ang kumausap sa kanila para isakay ang mga pasahero ay kilala lang umano nila sa alyas na ‘Batman’.

Samantala, habang tinutunton o hinahanap si alyas Batman pansamantalang nasa kustodiya NG Immigration Detention Facility sa Bicutan, Taguig City ang limang Chinese.

(JULIET PACOT)

47

Related posts

Leave a Comment