RIZAL – Nalagutan ng hininga ang isang 7-anyos na batang lalaki makaraang ihataw sa pader ng kanyang amang tila sinaniban ng demonyo, habang nilalapatan ng lunas sa Ynares Center sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito, nitong Huwebes.
Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y Salioman, 26, habang ang biktimang anak nito ay si Erron Veraces, 7-anyos.
Ayon sa reklamo ng inang si Rodalyn, 25, sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong Abril 24, nangyari ang insidente sa Phase 1, Villa San Isidro, Brgy. San Isidro sa lugar.
Tila sinaniban umano ng masamang ispiritu o demonyo ang suspek nang ihataw sa pader ang kanyang anak.
Isinugod ang biktima sa Infirmary Medical Clinic ngunit ngunit dahil sa serious injuries ay inilipat sa Ynares Center kung saan ito binawian ng buhay.
Hindi naman nilinaw ng mga awtoridad kung bakit ganoon ang galit ng suspek sa kanyang anak.
Bugbog-sarado naman ang suspek makaraang gulpihin ng
taong bayan bago isuko sa mga awtoridad.
Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong parricide. (ENOCK ECHAGUE)
215