‘AMASONA’ NG NPA TIMBOG SA CIDG

INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang itinuturing na “Amasona” ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ang suspek na si alyas “Jai”, 26-anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Parmbugas, Claveria, Misamis Oriental.

Ayon kay CIDG Director, PMGen. Robert Morico II, naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng CIDG sa Brgy. Bancasi, Butuan City, Agusan del Norte.

Si Jai ay miyembro ng Medical Unit ng Sandatahang Digma Group Samsung, Guerrilla Front Huawei, Sub-Regional Committee 1 (SR-1), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng NPA.

Kabilang din siya sa Periodic Status Report (PSR) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kasalukuyang may kinahaharap na kasong rebelyon at crimes against humanity sa Cagayan de Oro City Regional Trial Court.

Sangkot din ang naarestong amasona sa nangyaring terrorist activities sa mga bayan ng Claveria, Farmbugas, at Lagonglong sa Misamis Oriental,

tulad ng panununog ng dalawang 10-wheeler truck na pag-aari ng kumpanyang Del Monte Philippines, sa Brgy. Don G. Pelaez, Claveria, Misamis Oriental noong 2017.

Pinuri naman ni acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang naging tagumpay ng operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya para sa ikadarakip ng isa sa itinuturong kilabot na mga rebelde.

(TOTO NABAJA)

170

Related posts

Leave a Comment