AMENDMENTS SA 2025 NATIONAL BUDGET IPINASASAPUBLIKO

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

SINABIHAN ni Navotas City Rep. Toby Tiangco si House Speaker Martin Romualdez na obligahin si Congressman Zaldy Co na isapubliko ang amendments na ginawa ng kanyang grupo sa 2025 national budget.

“Otherwise we just covering up each other. If the leadership of the House will not demand it from Congressman Zaldy Co, that means we’re just trying to cover-up,” ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco na nagsabing wala siyang planong tantanan ang “small committee” na pinaghihinalaan nitong nagsingit ng pondo sa 2025 national budget na itinuturing ng ilan na “most corrupt budget”.

Ayon sa kanya, hindi niya talaga pakakawalan ang 2025 small committee. “Hindi ko pakakawalan ‘yan. We need to be accountable, pera ng taumbayan. Hindi puwedeng ‘uy kalimutan na natin yan!”

Sinabi pa ng mambabatas, ang small committee na binuo ng liderato ng Kamara para ilagay ang mga individual amendment ng mga miyembro, ay binubuo ng chairman at senior vice-chairman ng Appropriations committee, Majority Leader at Minority Leader.

Noong nakaraang Kongreso, sina AKo Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at dating Marikina City Rep. Stella Quimbo ang chairman at senior vice chairman ng nasabing komite, habang si dating Zamboanga City Rep. Manix Dalipe ang majority leader, at si 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan ang minority leader.

Sa mga nabanggit, miyembro pa ng 20th Congress sina Co at Libanan habang sina Quimbo at Dalipe ay natapos na ang termino sa Kongreso dahil kapwa natalo sa kanilang tinakbuhang local position noong nakaraang eleksyon.

“Congressman Zaldy Co should show (ang ginawa nila sa small committee). Kasi siya ang chairman noon eh. Alangan naman na hindi niya alam. Kung hindi niya alam, sino ang gumawa noon,” banggit pa ni Tiangco.

“So ipakita niya, heto binawasan ko, dinala ko dito, heto binawasan ko, dinala ko dito,” ayon pa kay Tiangco.

Sa 2026 national budget ay bubuwagin na umano ang small committee at papalitan ng subcommittee na magrerebyu sa mga amendment sa budget ng isang ahensya ng gobyerno subalit iginiit ng mambabatas na kailangan munang isapubliko ang ginawang amendments ng grupo ni Co sa 2025 national budget.

Naging kontrobersyal ang 2025 national budget dahil sa bilyun-bilyong pisong isingit na humantong pa sa pagkwestiyon sa Korte Suprema. Ang mga isiningit na halaga ay wala umano sa orihinal na panukala ng 2025 national budget.

oOo

Binabati natin si PCol. Nixon M. Cayaban, sa Leadership Award bilang Class President 02-080-DO-2025-001, Awards for Excellence Top 3.

Natanggap ni Col. Cayaban ang pagkilala noong Agosto 8, 2025 sa Provincial Directors/City Directors Qualification Course sa Closing Ceremony na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City, na Guest of Honor and Speaker si PNP chief, General Nicolas Torre III.

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong mag-text sa cell# 0917-861-0106.

9

Related posts

Leave a Comment