AMNESTY SA REBEL RETURNEES AT PASASALAMAT NG TOURISM CHIEF KAY PBBM

TARGET NI KA REX CAYANONG

MARAMI ang bumilib sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 24.

Detalyado nga naman kasi.

Talagang wala ka nang hahanapin pa.

Makikita mo rin ang tunay na malasakit at hangarin ng Marcos admin para sa mahihirap.

Kaya suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang naging pahayag ni PBBM sa kanyang SONA na maglalabas ito ng proklamasyon para pagkalooban ng amnestiya ang rebel returnees.

Aba’y mahalagang hakbang nga naman ito para tuluyang maitaguyod ang reintegration ng mga dating rebelde.

Malaking bagay ito at makatutulong para sa pagsusulong ng peace and order sa bansa.

Ikinalugod din ni Abalos ang pagbanggit ng Pangulo sa kampanya kontra iligal na droga at BIDA (Bisyo’y Iwasan, Droga’y Ayawan) Program.

Pagpapakita nga naman daw ito ng seryosong intensyon ng administrasyon na masawata ang drug problem sa bansa.

Pinuri rin ni Abalos ang naging desisyon ni Pangulong Marcos na tuluyang alisin na ang State of Public Health Emergency sa bansa na magbibigay-daan aniya sa tuloy-tuloy na progreso ng ating bansa.

Samantala, kasama rin sa mga prayoridad ni Marcos ang turismo. Labis ding ikinatuwa ito ni Tourism Secretary Christina Frasco.

Nakabibilib nga naman daw ang mas maluwag nang pagpasok sa ating bansa ng mga turista dahil tinanggal na nga ang COVID-19 protocols at restrictions sa bansa.

Tama nga naman, hindi maaabot ng DOT ang tatlong milyong foreign tourists kung hindi dahil sa maayos na polisiya at programa ng administrasyong Marcos.

Mahalaga ang muling pagbangon ng turismo mula sa pagkakalugmok noong kasagsagan ng pandemya.

Kaya kapuri-puri talaga ang mga ginagawa ng Marcos admin.

151

Related posts

Leave a Comment