NAKAKASIYAM na depensa na si Jerwin Ancajas ng kanyang IBF junior bantam-weight crown sapol pa noong 2016.
Sa kabila nito, may pumupuna sa mga challenger na tinatalo niya.
Kaya naman makalipas ang anim na taong paghihintay sa de-kalibreng kalaban, matutupad na rin ang kanyang pangarap.
Mapapasabak si Ancajas (33-1-2, 22 KOs) sa inaasam na unification bout laban kay Japanese WBO champion Kazuto Ioka (27-2, 15 KOs) sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo.
Hindi mahalaga sa tubong Panabo City, Davao del Norte boxer kung sa Japan na teritoryo ni Ioka ang laban, okey lang din sa kanya na abutan siya ng New Year celebration sa nasabing bansa, ang mahalaga uuwi siya ng Pilipinas bitbit ang dalawang korona.
“This is the fight he has dreamed about, the one he wanted. He’s fighting in
Japan not a problem,” komento ni MP Promotions president Sean Gibbons hinggil sa laban.
Dagdag niya: “(Ancajas) has taken a lot of criticism over the years that he hasn’t fought anybody, he hasn’t stepped up. That’s all gonna stop on December 31st.”
“Ito ‘yung Dream fight ko! Matagal kong hinintay ito para patunayan kong isa ako sa pinakamagaling sa dibisyong ito (115 pounds),” lahad ni Ancajas.
“Walang problema kahit sa Japan ang laban, naka-ispar na ako roon dati at the best ang fans doon dahil may respeto sila sa fighters,” dagdag niya.
Maging ang kanyang manager/trainer na si Joven Jimenez ay nagpahayag ng pasasalamat at excitement sa nalalapit na laban ng alaga.
“Matagal na kaming mag-kasama ni Jerwin, dami na naming pinagdaaanang laban, at excited ako sa wakas matutupad na ang pangarap naming laban at lahat gagawin namin para maging unified champion.” (VTROMANO)
190 