ANDAYA: PLEASE RELEASE ME

Andaya

(NI BERNARD TAGUINOD)

SISIBAKIN na sa kanyang posisyon bilang House Majority leader si Camarines Sur Rep. Rolando
Andaya, Jr, ?
Mismong si Andaya ang naglutang sa senaryong ito matapos tiyakin na sya ang unang boboto kapag tinanggal siya bilang Majority leader ng Kamara.
“I will be the first to vote that I be relieved as Majority Leader,” ani Andaya subalit hindi ito nagbigay ng karagdagang impormasyon kung bakit nito inilutang ang nasabing isyu.
Ayon sa mambabatas na nangunguna sa imbestigasyon sa flood control project scam, hindi umano nito inambisyon ang nasabing posisyon sa Kamara dahil kontento na ito bilang Deputy Speaker noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Nahalal si Andaya sa nasabing posisyon matapos ikudeta ng grupo ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo si Alvarez noong Hulyo 2017.
“To me this post is forced labor. Gusto ko na nga ma-relieve ng duties as Majority Leader noon pa. When this was first offered to me, I begged off a hundred times. Nagtago pa nga ako,” ani Andaya.
“Sabi ko six months lang maximum, then please release me. This job has tied me down in Manila when I should be focusing in Camarines Sur,” ani Andaya.
Ang Kongreso ay balik trabaho na sa Enero 14, 2019 matapos ang isang buwang Christmas break kung saan isang buwan lang magtatrabaho ang mga ito dahil sa Pebrero 12, 2019 ay simula na ang campaign period.
“Any taker for this position, I will owe him great deal. Tutal, Congress will go on election recess from February to June. There is no need for Majority Leader when Congress is in hibernation. I will be the first to vote that I be relieved,” ani Andaya.
Gayunpaman, hindi umano ito dahilan para manahimik na ito sa flood control project scam at iba pang maanomalyang budget practices sa gobyerno.

 

 

190

Related posts

Leave a Comment