INTRAMUROS, Maynila — 15 party-list group ang nangunguna sa isinagawang January poll ng survey firm na OCTA Reaserch, subalit ang karamihan sa mga ito ay may mga incumbent, na nakatanggap ng suporta mula sa hindi babang of Dalawang porsyento ng mga survey respondent.
Nangunguna pa rin ang ACT-CIS na nakakuha ng suporta ng 6.46 na porsyento sa mga respondent, kasunod ang 4PS (5.62 porsyento), Duterte Youth (3.95 porsyento), FPJ Panday Bayanihan (3.84 porsyento), Tingog (3.63 porsyento), Uswag Ilonggo (3.49 porsyento), Galing sa Puso or GP (3.43 porsyento), Ako Bicol (2.9 porsyento), Abang Lingkod (2.38 porsyento), 4K (2.34 porsyento), Senior Citizens (2.27 porsyento), AGAP (2.27 porsyento), Agimat (2.25 porsyento) Malasakit@Bayanihan (2.17 porsyento) at PPP (2.0 porsyento).
May kabuuang 155 party-list organization ang kalahok ngayon sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 12 at may ilang umasa silang makasungkit ng puwesto sa Mababang Kapulungan bilang kinatawan ng isang marginalized sector ng ating lipunan.
Ayon sa Octa Research, bukod sa nabanggit na nangungunang grupo, 15 pang ibang party-list ang may pag-asang umangat at makuha ang sangayon ng mga botante para makapasok sa Kamara batay sa result ng survey.
Kabilang dito ang Abamin, 1-Rider, Buhay, TGP, Gabriela, Batang Quiapo, Solid North, Angat, Tupad, ABP, ACT-Teachers, Ahon Mahirap, Lunas, Kabataan at Ang Tinig ng Seniors.
Makikita na ang ABP, o Ang Bumbero ng Pilipinas ay nasa ika-25 kaya bigyan natin ng pansin ang grupo na pinangungunagan ng pangulo nitong si Jose Antonio ‘Ka Pep’ Goitia bilang first nominee. Simple lang ang ambisyon ni Goitia sa kanyang pagnanais na maging tinig sa Kamara de Represetante upang matiyak na ang mga karapatan at benepisyo na deserve ng mga bumbero at rescue o taga pagligtas ng bansa, lalo na ang mga volunteer ay maisabatas para sa kapakanan nila at ng kanilang pamilya. Alam naman ng lahat ang mahalagang bahagi ng mga ito sa kaligtadan ng ating mga komunidad sa panahon ng pangangailangan. Hindi lang sila rumeresponde sa mga sakuna subalit tumutulong din sa mga emergency situation.
Sa pakilala nito, malaki ang kontribusyon ng ating mga Bumbero at tagapagligtas kaya nais ni Goitia na tiyaking may proteksyon sila. Ito ang prayoridad ng Ang Bumbero ng Pilipinas party-list at ito ang ipaglalaban ni Goitia sa susunod na Kongreso.
