Taong 2013 ay nasangkot si Arthur Melchor Carandang, bagong appointee noon bilang Overall Deputy Ombudsman, dahil sa kasong robbery extortion ngunit ipinagtanggol ito ng administrasyon ni Noynoy Aquino.
Siya ay kamag-anak ng noo’y opisyal din ni Aquino na si Ricky Carandang na Communications Secretary ni Aquino.
Si Arthur Carandang ang nagsilbing kasabwat ni Sonny Trillanes sa pag-atake kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang agad-agad ay maglabas ito ng bank records umano ng pamilyang Duterte noong 2017 na nakalap niya umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nag-iimbestiga umano sa pamilyang Duterte.
Deny naman ang AMLC na may imbestigasyon itong isinasagawa sa mga Duterte.
Ang pagsibak ng Palasyo kay Carandang ay inayunan naman ni Ombudsman Samuel Martires.
Nagmistulang galawang dilaw ang mga isinagawang pagkilos ni Carandang laban kay PRRD dahil tiradang sequel ito sa demolition job ni Trillanes sa kasagsagan ng presidential campaign noong 2016.
Ang aksyon ng Office of the President na pagsibak kay Carandang ay nag-ugat sa mga administrative case na isinampa ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Atty. Manny Luna, at mga abogadong sina Atty. Eligio Mallari, Atty. Jacinto Paras at Atty. Glenn Chong.
Isang tinik si Carandang sa landas ng bansa tungo sa pagbabago dahil lumalabas na hindi interes ng mamamayan ang itinutulak nito kundi agenda ng mga kaalyado nito.
Inaasahan nating hindi mananahimik si Carandang at ang grupong dilaw sa isyung ito.
Abangan. (For the Flag / ED CORDEVILLA)
