Pinag-Iingat natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagsasaka ng talong at mais.
Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na hindi masira ang mga pananim ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim.
Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan o kapaligiran.
Ito rin ay nakasasama sa mga mamimili na kakain ng kanilang mga inaning GMO, at maaaring magresulta sa mga sakit katulad ng kanser.
Ang siste kasi, ang GMO na mga punla ay nilalayuan ng mga kulisap na karaniwang kumakain at naninira ng mga pananim. Ang lohika rito, hinahaluan ng mga kompanyang gumagawa nito ng karne ang nasabing mga punla ng gulay kung kaya’t ang mga kulisap at insekto, sa pag-aakalang hindi gulay ang mga ito at bagkus ay mga hayop, ay nagkukusang umiwas kaya’t hindi na inaatake ang mga nasabing gulay hanggang lumaki at anihin na.
Totoong mas malaki ang ani sa pamamagitan ng GMO ngunit ang dulot namang kasamaan nito sa mga magsasaka, lupa at mga mamimili ay hindi natin nasusukat.
Ang kompanyang GMO na ito, ka-partner ang isa pang kompanyang pangkemikal ang gumawa ng panlaban naman sa lamok sa bansang Brazil upang masawata sana ang Zika virus na pinaniniwalaang nagresulta sa maraming ipinanganak na may kondisyon ng microcephaly o mga sanggol na ipinanganak na lubhang pawang maliliit ang ulo. (For the Flag / ED CORDEVILLA)
