PUNA NI JOEL AMONGO
KUNG sisilipin natin ang kasaysayan ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus sa sabsaban ng mga hayop sa Israel ay makikita po natin na ang Pasko ay araw ng pagbibigayan.
Bakit kamo? Tatlong hari ang agad na dumalaw sa lugar kung saan isinilang ang ating Panginoon dahil nabalitaan nila na ipinanganak na ang tagapagligtas ng sanlibutan.
At siyempre, ang bituin ang naging guide ng tatlong hari para matunton nila kung saan nandu’n ang ating tagapagligtas.
May dala-dalang regalo ang bawat isa sa tatlong hari na dumalaw kay Panginoong Hesus at ibinigay nila sa mag-asawang Maria at Jose ang kanilang regalo kay Baby Jesus.
Tulad ng tatlong hari ay hindi natin mapapalagpas ang taong ito na hindi natin mabibigyan ng pasasalamat sa pamamagitan ng ating panulat ang mga tao na naging malaking ambag sa lipunan sa abot ng kanilang makakaya.
Kabilang sa mga ito ay sina Brgy. Chairman Dodo Rugay ng Barangay Highway Hills, Mandaluyong City; Chairman Ely Dele Cruz ng Brgy. Rosario, Pasig City; Mayor Cesar Areza ng Pagsanjan, Laguna; at mga negosyanteng sina Francis Soriano, mag-amang Perry at Hadley Mariano.
Sina Chairman Rugay, Chairman Dela Cruz at Mayor Areza ay kilalang politicians na matulungin sa kani-kanilang nasasakupang lugar.
Kaya hindi nakapagtataka na sila ay naluklok sa kani-kanilang mga pwesto ngayon dahil sa taglay nilang malasakit sa kanilang mga kababayan.
Napakahirap ang manim-bang sa iba’t ibang ugali ng mga tao na nasasakupan nina Kap. Dela Cruz, Kap. Rugay at Mayor Areza, pero nakakayanan nila dahil sa tinatawag na serbisyo publiko.
Hindi rin magtatagumpay bilang mga negosyante ang mag-amang sina sir Perry at Hadley kung wala silang malasakit sa kapwa, lalo na sa billiard players sa buong Pilipinas.
Ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa billiard players ay napupunan ng mag-amang Perry at Hadley Mariano.
Sinusuportahan ng mag-amang ito ang baguhang billiard players hanggang sa maging tanyag silang manlalaro ng billiard.
Gayundin si sir Francis na isa na ring matagumpay na negosyante ay hindi nakalilimot sa kanyang kapwa Pilipino lalo sa mga kapus-palad, sa pagbibigay ng ayuda.
Kaya sa inyo po, Kap. Rugay, Kap. Dela Cruz, Mayor Areza, mag-amang sir Perry, Hadley at sir Francis, sana po ay lalo po kayong pagpalain ng Poong May Kapal sa susunod na taon.
Masagana at ligtas na Bagong Taon po sa ating lahat.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text cell# 0977-751-1840.
