PUNA ni JOEL O. AMONGO
PUMASOK na ang bagong taon na sa Chinese zodiac ay Year of the Wood Snake 2025: predictions for health, wealth, work and love,
plus the Wood Snake’s effect on the 5 elements of the Chinese zodiac.
Sa pagpasok ng Year of the Wood Snake, ang mga ipinanganak sa Years of the Rat, Monkey, Rooster, Horse at Dragon ang mga masusuwerte ngayong 2025. Sana All!
Sa ganang akin, ang suwerte ay tayo rin ang gagawa niyan, ipinanganak nga tayo sa Year of the Wood Snake, kung pakuya-kuyakoy lang naman tayo sa ating bahay ay walang darating na suwerte sa ating buhay.
Sa aking paniniwala kahit ‘di tayo ay ipinanganak sa Year of the Snake kung tayo naman ay sobrang sipag at matiyaga, sabayan pa natin ng dalangin sa ating Panginoon, siguradong susuwertehin tayo sa taong ito.
Tila ganyan ang nangyayari sa “LINGAP-Liga ng Nagkakaisang Mahihirap” sa inilabas na resulta ng survey ng Insight Pioneers na umaani ng suporta ngayon mula sa mga Pilipino.
Sa 1-156 listahan ng Party-lists na sinurbey ng Insight Pioneers ay nasa pang number 21 ang LINGAP-Liga ng Nagkakaisang Mahihirap (#112) na nakapagtala ng 1.29%.
Sakop ng survey na ito ang mula Disyembre 15 hanggang 18, 2024.
Nilampaso ng LINGAP ang HEAL PH-HEALTH ALLIANCE (#152) na pinakakulelat, na nasa pang number 156 at nakapagtala lamang ng 0.02%.
Ipinakita ng LINGAP ang tinatawag na sipag at tiyaga, hindi sila naghihintay na dumating sa kanila ang suwerte.
Sinabayan pa ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ordinaryong mamamayan partikular na sa mahihirap na mga pamilya.
Kahit na unang sabak pa lang nila ngayong 2025 Midterm Elections ay agad na silang tinatangkilik ng mga Pilipino.
Kinakatawan ng LINGAP sa Mababang na Kapulungan ng Kongreso, ang mga pamilyang mahihirap.
Alam naman natin na mas maraming mahihirap na pamilyang Pilipino ang masipag na bumoto kaya posibleng makalusot ang LINGAP sa 2025 Midterm Elections.
Daig ng matiyaga at masipag ang masuwerte.
Sa mga sumasabak sa pulitika ngayong taon, kung kayo’y magsisipag, sa huli ay kayo rin ang magtatagumpay.
Ganun din sa mga tao na yumayaman, walang yumayaman nang madali kailangan natin paghirapan ang pagyaman.
Wala ring mananalo sa lotto kung walang tataya, kaya kung gusto natin magtagumpay sa karerang ating pinasok ay paghirapan natin ito, ‘wag tayong aayaw.
Ang pinakamahalaga ay maging totoo tayo sa ating mga sinasabi, kung ano ang ating sinabi ay panindigan natin at ibigay natin ang para sa mga tao.
Kung ano ang plataporma natin noong tayo ay nangangampanya ay tuparin natin at ibigay sa mga tao.
Sawa na ang mga Pilipino sa puro pangakong napapako.
