ANIBERSARYO NG PGH BILANG COVID-19 REFERRAL CENTER, GINUNITA

GINUNITA nitong Lunes ang ika-5 anibersaryo ng pagdedeklara ng Philippine General Hospital (PGH) bilang COVID-19 Referral Center.

Pinangunahan ito ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, nagsabing umusad man ang mga taon ay hindi dapat kalimutan ang aral na iniwan ng naranasang pandemya.

Sa nasabing hamon, inalala naman ni Dr. Jonas Del Rosario ang pagkamatay ng kanyang mga magulang na tinamaan ng naturang sakit.

Aniya, ang pagiging COVID survivor ay hindi lamang ang paggaling mula sa sakit kundi maging ang hindi pagsuko at patuloy na pag-usad sa buhay.

(JOCELYN DOMENDEN)

20

Related posts

Leave a Comment