MISIS INUMBAG NI MISTER

NAGKAROON ng blackeye ang isang 41-anyos na ginang makaraang bugbugin umano ng kanyang mister sa Tondo, Manila.

Bunsod nito, sinampahan ng ginang ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

(physical injury) ang suspek na si alyas “Jay-Ar”, 45-anyos, residente ng ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Analiza Armenta ng WCPD, kasama ang mga barangay official, naghain ng reklamo ang biktimang si alyas “Elyn”, 41, dahil sa pagbugbog ng kanyang mister.

Ayon sa salaysay ng ginang, bandang 6:30 ng gabi, dumating ang suspek na lasing habang siya ay natutulog.

Bigla na lamang umanong winasak ng suspek ang pintuan at binugbog siya kaya napilitang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.

(RENE CRISOSTOMO)

59

Related posts

Leave a Comment