ANIM NA DESTROYER IBIBIGAY NG JAPAN SA PHILIPPINE NAVY

KINUMPIRMA ng Philippine Navy na may imbitasyon na ang Japanese Maritime Self-Defense Force para sa visual inspection ng anim na barkong pandigma ng Japan para sa posibleng paglipat nito sa Philippine Navy.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, inimbitahan sila ng Japanese Ministry of Defense para sa joint visual inspection ng ilang Abukuma-class destroyer escort, mga barkong idinisenyo para sa anti-submarine at anti-ship warfare.

Nabatid na plano ng Japan na i-donate ang anim na Abukuma-class Destroyer Escort vessels sa Pilipinas bilang “defense assistance” package.

Sinasabing malaking karagdagan sa military arsenal ng Philippine Navy ang mga ganitong klase ng barko bilang bahagi ng pagpapatibay sa seguridad at proteksyon ng maritime domain ng bansa particular sa West Philippine Sea.

Ayon kay Alcos, sa ngayon, wala pa tayong destroyer dahil Frigates at corvettes pa lamang ang meron tayo.

Nakatakdang magpadala aniya ng mga eksperto ang Pilipinas upang masuri ang kondisyon at kapasidad ng mga barko bago magdesisyon kung kukunin ang mga 1990s commissioned war ship.

Sa inisyal na ulat, nasa anim na unit ng destroyer escorts ang balak ibigay ng Japan sa Pilipinas bilang bahagi ng pinagtibay na alyansa at layuning mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific region.

“Defense Minister (Gen) Nakatani and Philippine Defense Minister Gilberto Teodoro confirmed the export of the used escort ships during a meeting in Singapore in early June. The exports are expected to consist of six Abukuma class destroyers of the (Japan Maritime Self Defense Force),” ayon sa pahayagang Shimbun.

Inuri bilang general-purpose destroyer escort na pangunahing ginagamit para sa anti-submarine warfare (ASW), ang 2,550-toneladang Abukuma class na mga barko ay nasa serbisyo nang mahigit 30 taon.

“If the export of these used destroyers is realized, it will be the first such case. The export of the destroyers aim to improve interoperability with the Philippine military and jointly strengthen deterrence and response capabilities against China, which is unilaterally advancing into the ocean,” ayon sa pahayagang Shimbun.

Ayon pa sa Shimbun, “the Philippine military is scheduled to inspect the Abukuma class destroyer escorts this summer to check its main guns and other equipment, as well as its maintenance status, and to make final preparations for the export.”

Kasalukuyang ginagawang moderno ng Philippine Navy ang kanilang fleet, pagbili ng kanilang unang guided missile frigates at corvettes mula sa South Korea pati na rin ang pagkuha ng mabilis na missile patrol boat mula sa Israel, na gagana sa pinaghalong mga lumang barko na binili o donasyon mula sa Estados Unidos at United Kingdom.

Ang sinasabing hakbang ay makadaragdag sa PN ng mga barko, lalo na sa harap ng lumalaking presensya ng militar ng China sa South China Sea at West Philippine Sea.

(JESSE KABEL)

39

Related posts

Leave a Comment