MAKARAAN ang halos anim na taong pagtatago sa batas, arestado ang isang 39-anyos na most wanted person makaraang matunton sa isang compound sa North Harbor sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon.
Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Edmundo Pintac ng Regional Trial Court Branch 15, 10th Judicial Region ng Ozamis City, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Joshua Caroro y Lumacad, may asawa, driver at nanunuluyan sa #25 Eucalyptus St., Western Bicutan, Taguig City dahil sa kasong paglabag sa Republic Acts 9262 o Violations Against Women and Their children Act.
Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, bandang alas-2:30 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest kay Caroro sa compound ng 2GO CFS sa Lot 2, Mel Lopez Boulevard, dating Radial 10, Manila Harbour Center, Vitas, Tondo.
Ayon kay Major Pura, nagtungo sa kanilang tanggapan ang mga tauhan ng PNP-Clarin MPS MOPPO ng Ozamis City, matapos makumpirma na driver ng naturang kompanya ang kanilang target sa operasyon. (RENE CRISOSTOMO)
145 