ANO ANG TRYPOPHOBIA?

Ni Ann Esternon

Ang tryphobia ay sinasabing pagkatakot o pagkadiri sa anumang butas, bumps na may irregular round patterns.

Ang trypophobia ay hango sa salitang Griyego na trŷpa o “butas” habang ang phobos ay “pagkatakot.”

Ang trypophobia ay naiulat noong unang bahagi ng 2000, kabilang sa mga phobia sa mga harmless na bagay tulad ng chaetophobia, pagkatakot sa buhok o microphobia, pagkatakot sa maliliit na bagay.

Ang mga taong may trypophobia ay malakas ang physical at emotional reaction sa mga butas – mas marami at mas malaki ay mas nagdudulot ng takot sa mga ito.

MAITUTURING BANG PHOBIA ANG TRYPOPHOBIA?

Sinasabing ang trypophobia ay hindi pa kinikilala ng American Psychiatric Association’s Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders. Hindi pa rin masabi kung ito ayg isang “genuine” phobia.

Ang tunay na phobia ay ‘yong nagbibigay ng sapat na takot o pag-alala para ito ay makasira sa iyong araw-araw na ginagawa at base sa American Psychiatric Association (APA) ang trypophobia ay hindi pasok sa standard ng pagkakaroon ng tunay na phobia.

Ayon pa sa APA, hindi pa opisyal na kinikilala ang disorder na ito sa kanilang “Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders, 5th edition,” isang malaking volume ng lahat ng kilalang mental illnesses at mga sintomas nito. Ayon sa mga eksperto ang trypophobia ay pagkadiri at hindi pagkatakot.

Sa pag-aaral din, ang trypophobia ay may mga sintomas katulad ng panic attack:

– pagduduwal

– pangangatog

– pagpapawis

– mabilis na tibok ng puso

– hirap sa paghinga

– pagtayo ng mga balahibo

Ang mga taong may trypophobia ay may kakaibang reaction at nati-trigger sa pagtingin sa:

– butas sa mga konkreto

– butas sa tinapay

– sa ulo ng lotus flower

– shower heads

– sponges

– sea corals

– honeycomb

– seed pods

– LEDS sa traffic lights

– Sakit sa balat na may butas, peklat, o spots

May mga pag-aaral sa mga taong mayroong trypophobia at nakitaan ng sintomas nito ay nalaman din na marami sa kanila ang may depression o generalized anxiety.

MAY GAMOT BA PARA RITO?

Walang eksaktong gamot para sa trypophobia. Gayunman, may mga treatment sa phobia in general na may varied success rates. Ang mga ito ay self-help treatments, therapy, at medications.

Ang self-help ay pag-eehersisyo, pagkain nang tama at may nutrisyon, pagkakaroon ng sapat na tulog, at pag-iwas sa pag-inom ng mga caffeinated drink.

May exposure therapy kung saan kailangang kausapin ang isang therapist at dito ay ilalantad ka sa phobia mo in small doses.

Maaaring medications dito ay tulad sa mga taong may anxiety kung saan kailangan ng antidepressants, tranquilizers o beta-blockers.

2893

Related posts

Leave a Comment