Ni Ann Esternon
Maaalarma ka talaga kung lampas na sa inaasahan mong petsa ang pagdating ng iyong period o menstruation.
Ang pagkakaroon ng delayed menstruation ay sa mga kadahilanan na maaari nating ikapangamba lalo na kung hindi naman nangyayari ito sa atin noon.
Ayon sa mga doktor, opisyal na matatawag na late o delayed ang regla mo kung ito ay nakalampas na ng 30 araw.
Kapag delayed na ang regla ibig sabihin nito ay may nangyayari o pagbabago sa iyong lifestyle o dahil sa iyong health conditions.
MGA RASON KUNG BAKIT DELAYED ANG PERIOD
– Walang sapat na tulog
– Kulang sa nutrisyon
– Pagkakaroon ng stress
– Pagbabago sa hormones
– Sa iniinom na gamot o mga gamot
– Pagbabago ng timbang: dagdag o pagbawas
– Sobrang pag-eehersisyo
– Pag-inom ng hormonal birth control
– Perimenopause – nagsisimula kapag mid hanggang late 40s ang edad
– Early menopause – Nahihinto ang paggalaw ng ovaries bago pa man ang edad 40
– Nagdadalang-tao
– May sakit na matagal na o seryoso
– Pagkakaroon ng thyroid condition
– Pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS) kung saan hindi ka nag-o-ovulate nang regular
Kung delayed ang period mo, huwag agad isiping buntis ka. Mainam na magpakonsulta muna sa doktor upang malaman ang inyong kondisyon at mabigyan kayo ng tamang gamutan o mga payo hinggil dito.

