SINIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng antigen test kits sa iba’t ibang LGUs at ospital.
Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon kontra COVID-19.
Importante, ayon kay Dizon na bukod sa rt-PCR ay magamit na rin ang antigen test upang sa lalong madaling panahon ay madetermina kung ang isang indibidwal ay positibo sa virus.
Aniya, bahagi ito ng active case finding effort ng pamahalaan kung saan, target na dumaan sa test ang mga symptomatic at mga indibidwal na may kontak sa mga nagpositibo sa COVID.
Tinatayang nasa 530,000 antigen test kits ang target na ipamahagi sa mga ospital at iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Samantala, siniguro ni Dizon na kanilang gagabayan ang mga nasa LGU kung paano at sino-sino ang dapat gumamit ng antigen test kits. (CHRISTIAN DALE)
187 