APAT NA MAGKAKAANAK PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO, ISA KRITIKAL

NASAWI ang apat na magkakamag-anak habang isa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Esrael, Barangay New Abra, Matalam, Cotabato nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Matalam Municipal Police Station, bandang alas-7:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag kaugnay ng insidente at agad na rumesponde sa lugar.

Pagdating ng mga awtoridad, bumungad ang duguang mga biktima kung saan apat ang patay na at isa ang isinugod sa pagamutan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rashid Sahay Mampo, Rica Jane Maidlos, Daryl Mampo Diansay at Russel Kim Mampo Diansay. Ang sugatan na si Ebrahim Mampo Lamalan ay kasalukuyang ginagamot sa Amas Provincial Hospital.

Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima matapos makikonek sa Wifi nang bigla na lamang silang pagbabarilin. Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sitio Malupayag.

Patuloy ang manhunt operation at masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga salarin.

(TOTO NABAJA)

11

Related posts

Leave a Comment