TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na pasado na sa evaluation process ang mga reklamong nakapaloob sa mga salaysay ng whistleblower sa missing sabungeros na si Julie Patidongan alyas Totoy.
Kinumpirma ito ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang panayam kung saan inihayag nito na sinimulan nang iproseso para sa ebalwasyon ang mga affidavit ni Totoy para tuluyan na siyang maipasok sa custody ng Witness Protection Program (WPP).
Sa kasalukuyan, habang wala pa sa WPP si Patidongan nananatili muna ito sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) para sa kanyang seguridad.
Kabilang sa mga reklamong inihain sa DoJ ay multiple murder, kidnapping, serious illegal detention, enforced disappearance at iba pa na inihain ng mga kaanak ng 34 nawawalang mga sabungero laban sa ilang personalidad at indibidwal.
(JULIET PACOT)
