4 SUGATAN SA DEMOLISYON SA ‘PULONG DIYABLO’

BINALOT ng tensyon ang demolisyon sa 39 pamilya sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa Old Antipolo St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga nang pumalag ang mga pinaaalis na residente at mambato ng bote.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District, umaga pa lamang ay tensiyonado na ag paligid.

Nang magsimula ang pambabato ay agad tumulong ang mga miyembro ng District Mobile Force Batallon, mga kawani ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) Special Weapon’s and Tactics ( SWAT) kasama ang mga miyembro ng Station Tactical Motorized Rider’s Unit.

Upang agad mapahupa ang sitwasyon ay namagitan sina District 2 Councilors Awie Sia Bolong Sy at Edward Tan, na kaalyado ni Manila Mayor Isko Domagoso.

Nagresulta naman ng pagkakasugat ng dalawang pulis at dalawa rin sa demolition team ang batuhan.

Umabot ng maghapon ang tensyon at payapang itinuloy ang demolisyon sa nasabing lugar na tinaguriang “Pulong Diyablo”.

( RENE CRISOSTOMO)

165

Related posts

Leave a Comment