ARMADO KUMASA SA PARAK, PATAY

PATAY ang isang lalaki nang kumasang makipagbarilan sa mga pulis makaraang sitahin dahil sa pagdadala ng baril sa Caloocan City noong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-5:30 ng hapon nang mamataan si Anlou Resusta ng Phase 8, Bagong Silang, na may nakasukbit na baril sa baywang habang sakay ng isang motorsiklo.

Nang sitahin ay pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo at nang tinugis ay pinaputukan ang mga pulis.

Nang gumanti ng putok ang mga pulis ay nasapol ang suspek na isinugod sa Bermudez Hospital ngunit nang ililipat sa Caloocan City North Medical Center ay hindi umabot nang buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung dati nang nasabit sa krimen ang suspek. (ALAIN AJERO)

239

Related posts

Leave a Comment