SWAK sa karsel ang isang lalaking namasyal habang may dalang sumpak sa Caloocan City.
Ibinalibag sa selda ang suspek na si Cresencio Tismo y Castro, 46, ng Barangay 134, Bagong Barrio, ng lungsod.
Inaresto ang suspek sa Ponce St., Barangay 134, Bagong Barrio, dakong alas-6:50 ng gabi noong Mayo 10 matapos may magnguso sa mga parak na may isang armadong lalaking palakad-lakad sa nasabing lugar.
Pagresponde ng mga parak ay nabulaga si Tismo na kinasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition in relation to the Omnibus Election Code makaraang nakumpiska ang kanyang sumpak na kargado ng isang bala. (ALAIN AJERO)
131 