Asahan mahigpit, masalimuot na PBA All Filipino quarterfinal round

GUMAWA ng kasaysayan ang PBA nang ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa ay bumalik noong Nobyembre 3 matapos na kanselahin ang walong laro, dahil sa suspetsa na may isang reperi at isang manlalaro ang nagpositibo sa COVID-19.

Lumabas na ang suspetsa ay “false positive” makaraan ang sumunod na pagsusuri, pero napuwersa pa rin ang liga na baguhin ang naunang programa sa layong matapos ang PBA PH Cup elimination sa Nobyembre 11.

Hindi lamang isang apat-na laro araw kundi apat na araw na may apat na laro sa pagbabalik ng liga noong nakaraang Biyernes, ngayong araw ng Linggo at sa Nobyembre 11 na nito lamang nangyari sa 45 taong kasaysayan ng PBA.

Tampok din sa bagong iskedyul ang paglalaro ng lahat ng koponan ng dalawang sunod na araw.

Ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok at Meralco Bolts ang may pinakamaraming larong back-to-back na tig-apat, sumusunod ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer, kasalukuyang lider nilang sister team na Barangay Ginebra, at dating nangungunang Talk ‘N Text na may tigatlo.

Kaya hindi na kataka-takang noong Huwebe, ang mga manlalaro ng apat na koponan na nagkaroon ng apat na laro sa pagitan ng Blackwater at Terrafirma, Alaska at NorthPort, Beermen at NLEX, at Gin Kings at TNT ay hindi na halos makakilos dahil sa pagod.

Sa kabila ng pagod, di napigilan ang Kings na talunin ang Tropang Giga, 85-79, upang tanggalin ang TNT sa pangunguna para sa kanilang ika-pitong panalo at pormal na samahan ang kanilang biktima sa quarterfinal round.

Nilupig ng NLEX ang pagod na pagod nang Beermen na ­naglalaro nang wala ang anim na beses nang MVP at shooting star na si Terence Romeo, 124-90, para makaahon tungo sa ika-siyam na puwesto mula sa mababang kalagayan bago magsimula ang laro.

Ang TNT, sa kabilang dako ay nalasap ang kailang pangalawang sunod na pagkabigo at nalaglag sa pangalawang puwesto sa kartadang 6-3 panalo-talo katabla ang Phoenix Super LPG, bagamat nanatili sa unang apat na puwesto at kung mapapangatawanan ito ay magkakaroon ng twice-to-beat na insentibo patungo sa susunod na Final 8 round.

Sa kabila nito, nanatiling nasa itaas ng puwesto at may pag-asang makapasok sa Magic 8 ang — Alaska (6-4), Meralco( 5-3), SMB (5-4), Rain or Shine (4-3), Magnolia (4-4) , NLEX (4-5) hanggang nasa pinakababa ang Blackwater (2-6), NorthPort at Terrafirma (tabla sa 1-7).

Ibig sabihin, makakaasa ang PBA fans sa isang mahigpit at masalimuot na bakbakan para sa kung aling teams ang makapapasok sa semifinal round.

126

Related posts

Leave a Comment