HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) to “stand with Myanmar”.
Base sa ilang obserbasyon, ang nasabing bansa ay nasa gitna ng tumataas at umiigting na civil war.
Sa kalatas ng Malakanyang, nanawagan si Pangulong Duterte sa 39th ASEAN Summit, sabay sabing ang mga member-states “stand with Myanmar in solving its crisis peacefully for the welfare of its people”.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang lahat ng partido sa Myanmar na makilahok sa constructive dialogue, giit nito na ang ASEAN Special Envoy ay payagan na bisitahin ang Myanmar sa lalong madaling panahon para makausap ang lahat ng “relevant parties.”
Ang Myanmar, dating Burma, ay 8 buwan pa lamang na naalis mula sa kaguluhan matapos mapatalsik ang dati nitong civilian government.
Samantala, sabay namang dinaluhan ni Pangulong Duterte ang 38th at 39th ASEAN Summits and Related Summits virtually sa pamamagitan ng video conference. (CHRISTIAN DALE)
392
