MAAARING bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Indonesia o Singapore para sa kanyang unang overseas trip bilang Pangulo ng bansa.
Pagpapanatili ito ng tradisyon ng mga Pangulo ng Pilipinas na pumili sa anomang Southeast Asian nation para sa kanilang unang foreign trips.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na may ganitong plano si Pangulong Marcos bago pa ang kanyang byahe sa Estados Unidos para sa kanyang pagdalo sa United Nations’ General Assembly (UNGA).
“Ang proposed visits niya, uunahin niya yung Indonesia sana. The President is looking at his schedule kung saan siya makakapunta but definitely it will before he goes to New York,” ayon kay Romualdez.
Kinonsidera ang bansang Singapore dahil nagpadala rin ito ng imbitasyon kay Pangulong Marcos para sa isang state visit. (CHRISTIAN DALE)
204
