ATTY. VIC RODRIGUEZ: KAILANGAN MAY MANAGOT SA BLANK BICAM REPORT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DAPAT habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng blankong bicameral conference committee report sa 2025 national budget.

Ayon sa senatorial aspirant na si Atty. Vic Rodriguez, kailangan may managot sa nasabing usapin dahil maaaring magdusa ang mga Pilipino.

Kaya naman may mga grupo na aniyang naghahanda para iakyat sa Korte Suprema ang isyu.

“Inaaral na ‘yung challenge na dadalhin sa Korte Suprema dahil unconstitutional ang 2025 budget dahil nga ‘yung pinakita ni [dating] Pangulong Duterte na bakante, bungi-bungi sa bilyong-bilyong pisong halaga nung final bicameral conference committee report,” ani Rodriguez sa isang panayam ng GMA Integrated News.

Iniimbestigahan na rin aniya nila ang posibleng kriminal na pananagutan ng mga may sala, dahil sa mga paglabag sa Revised Penal Code kaugnay ng falsification of legislative documents.

Ang mga pahayag ni Rodriguez ay kasunod ng mga pag-aalala na ibinahagi nina Duterte at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, na nagbigay pansin sa nawawalang mga halaga sa mga item sa ilalim ng Department of Agriculture at unprogrammed appropriations.

Matatandaang itinanggi ng Malacañang ang mga paratang at tinawag na “mga kasinungalingan” ang mga pahayag ni Duterte.

54

Related posts

Leave a Comment