UMABOT na sa 886 local government officials ang nahaharap ngayon sa iba’t ibang reklamo mula administrative hanggang criminal cases, kaugnay sa diumano’y maling gawain at hindi pagsunod sa mga regulasyon para labanan ang coronavirus pandemic. Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon ng madaling araw, may 886 local officials ang nahaharap sa criminal complaints kabilang na rito ang diumano’y maling paghawak ng cash aid distribution sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan. Mula sa 886 ay may 364 ang politiko habang…
Read MoreAuthor: admin
Border security hinigpitan LSIs PUMUPUSLIT SA EASTERN VISAYAS
PINAIGTING ng Joint Task Force COVID Shield ang border control at pagbabantay sa mga pantalan at paliparan kasunod ng ulat na pagpuslit ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa mga lugar na umiiral ang travel ban partikular sa Eastern Visayas. Ayon kay P/Ltgen Guillermo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, inatasan niya ang lahat ng field and unit commanders na manmanan mabuti ang mga border papasok sa iba’t ibang lalawigan na maaring lusutan ng mga LSI. Inihayag pa ni Eleazar na nakipag-ugnayan na siya kay Philippine Coast Guard Commandant, Vice…
Read MorePDu30 nababahala sa paglala ng COVID-19 cases INUMAN, SUGAL, PARTY TULOY SA CEBU
NAGPAHAYAG muli ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kalagayan ng Cebu. Ang pahayag na ito ng Chief Executive sa kanyang public address kahapon ng madaling araw ay kaugnay ng desisyon ng gobyerno na panatilihin ang Cebu City sa enhanced community quarantine dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod. Hindi umano nagustuhan ni Pangulong Duterte ang tila pagsasawalang bahala ng mga taga-Cebu na nagagawa pang makipag-inuman, makipagsugal at magdaos ng party sa gitna ng outbreak. Mananatili ang Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ)…
Read MoreNasaan ang dagdag na flights? – Rep. Defensor 100K OFWs STRANDED PA RIN
MULING kinalampag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang mga ahensya ng gobyerno dahil wala pang nangyayari sa pangako ng mga ito na magtutulungan upang madagdagan ang flights para makauwi na ang mga stranded Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa iba’t ibang bansa partikular na sa Saudi Arabia. Nagpahayag ng pagkainip si Defensor dahil dalawang linggo na ang nakararaan simula nang mangako ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na daragdagan ang flights para maiuwi ang mga…
Read MoreIsinumbong sa solon SUGALAN SA RESORTS WORLD TULOY
TINUKOY sa anonymous letter na natanggap ni House assistant majority leader Nina Taduran na Resorts World Manila ang casino na nag-o-operate sa panahon ng pandemya. Sa isang pahinang sulat na natanggap ni Taduran at ibinigay sa Saksi Ngayon, nagrereklamo ang letter sender dahil kasama ang kanyang senior citizen na ina sa mga nagsusugal sa RW Manila. “I am wrting to call the attention of your office to investigate regarding the re-opening of Resorts World Manila to VIP gamblers during this time of pandemic,” bahagi ng sulat. “My mother who is…
Read More1 SA MGA SUSPEK SA PAGPASLANG SA LADY DRIVER SA LAGUNA, NATIMBOG
ARESTADO na ng Laguna police ang isa sa mga suspek sa brutal na pagpaslang kay Jingle “Jang” Lucero, ang lady driver na tinadtad ng saksak sa Calamba City. Batay sa report ni Regional Director PBGEN Vicente Danao Jr., naaresto noong Biyernes si Shiela Montes Belarmino. Si Belarmino umano ang isa sa tatlong sumakay sa kotse noong gabi na pinatay ang biktima. Nakilala ang mga ito batay sa kuha ng CCTV at sa testimonya ng mga testigo. Sa kuha ng CCTV, nakita na sumakay sa harap ng isang convenience store ang…
Read MoreManatili sa bahay kung ayaw mamatay – Malakanyang PINAS 2ND SPOT SA MOST COVID CASES SA ASYA
HINDI na nagtaka ang Malakanyang sa inilabas ng John Hopkins corona virus resource center na ang Pilipinas na ang pangalawa sa Southeast Asia pagdating sa ‘most number of covid cases’. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay dahil sa wala pang bakuna sa bansa kontra covid kaya’t sumirit ang kaso ng nagpositibo sa COVID-19. “Well gaya po ng nasabi ko na po kanina hindi na po nakapagtataka ‘yang pagtaas ng kaso ng covid habang wala pa pong bakuna, habang wala pa pong gamot,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabilang…
Read MoreWalang aktibong disease surveillance DOH KINASTIGO SA PAGLOBO NG COVID-19
MISTULANG kinastigo ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) sa kawalan ng epidemiological surveillance upang ma-monitor ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19) sa real time na isang malinaw na indikasyon kung bakit pumalpak ang ating pandemic response. Sa pahayag, sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor and human resources na lubha nang nakaaalarma ang pagtaas ng bilang ng biktima ng COVID-19 sa bansa na kapag patuloy tumaas, magiging delubyo sa gobyerno upang maibangon ang ekonomiya. “Business confidence is tied with trust in the health sector…
Read MoreDOH nagkasa ng emergency hiring HEALTH WORKERS SA CEBU, ‘SUKO’ NA
NAGSASAGAWA ngayon ang Department of Health (DoH) ng emergency hiring para sa mga health worker. Nakarating kasi sa Malakanyang na ang mga health worker sa Cebu ay burnout na at pagod na sa trabaho dahil sa pagdami ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, first priority na ngayon ang Cebu kapag dumating ang mga biniling personal protective equipment (PPE), ventilators at iba pa. “Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring para…
Read More