MGA SINUNGALING SA ABS-CBN IPAKUKULONG

NAIS ni House Deputy Majority Leader Jesus Crispin “Boying” Remulla na patawan ng contempt ang mga opisyal ng ABS-CBN at iba pang resource persons sa pagdinig sa prangkisa ng nasabing network na mapatutunayang nagsinungaling. “I am asking the committee to look into the deception employed by several persons who testified before the committee,” ani Remulla na isa rin sa vice chairman ng House committee on good government and public accountability. Ginawa ni Remulla ang pahayag bago natapos ang 10 oras na pagdinig ng komite kasama ang Committee on legislative franchises…

Read More

DOH NAKATUTOK SA 6 LUGAR SA NCR, CEBU

MAHIGPIT na monitoring ang isinasagawa ng Department of Health (DOH) sa anim na mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 nitong nakaraang linggo. Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Cebu City, Cebu province, mga lungsod ng Mandaue at Lapu-lapu sa Cebu, Quezon City at Maynila. Sa ulat mula kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, nananatili pa rin sa 7.7 kada araw ang case doubling rate at 60% lamang sa critical care facilities ng bansa ang nagagamit. KASO SA MUNTINLUPA, 505 INIULAT ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa…

Read More

Nakumpirma ng solon SUGALAN SA CASINO NASA VIP ROOMS

poker

NABISTO ng isang mambabatas ang ilegal na operasyon ng ilang casino sa Metro Manila na nagpapasugal sa mga VIP room o private rooms ng mga ito. Dahil dito, hiniling ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa national government na patawan ng mabigat na parusa ang mga casino at iba pang pasugalan na patuloy na nag-o-operate sa gitna ng community quarantine dahil inilalagay ng mga ito sa panganib ang kanilang mga kliyente. Nauna nang nakatanggap ng mga report ang mambabatas na ilang pasugalan sa Metro Manila ang nananatiling bukas at nagsasagawa…

Read More

BAKUNA NG SENIORS PINALILIBRE

ISINULONG ni opposition Senator Leila M. de Lima ang pagkakaloob ng libreng bakuna sa lahat ng senior citizens habang nasa gitna ng epidemya ang bansa. Sa inihaing Senate Bill No. 1641 ni De Lima, pinaaamiyendahan nito ang Section 4 ng Republic Act (RA) No. 7432, as amended by RA No. 9257, RA No. 9994, o ang “Expanded Senior Citizens Act Of 2010. “No less than the Constitution guarantees that the needs of the elderly in relation to their right to health shall be given priority by the State. Clearly, senior…

Read More

MGA BATA DAPAT TURUAN NANG MAGLAKAD

ISA sa mga hindi magandang kultura nating mga Filipino ay hindi tayo natutong maglakad ng medyo malayo-layo. Kahit malapit, sumakasay tayo ng jeep, bus at tricycle. Hindi tayo naturuan mula pagkabata na mahalaga sa kalusugan ng tao ang paglalakad ng malayo katulad ng iminulat sa mga tao sa ibang bansa katulad halimbawa sa Japan. Kahit sa mga probinsya lalo na sa kapatagan, bihira kang makakita ng mga tao na naglalakad ng malayo-malayo at lalong bihira kang makakita dito sa Metro Manila ng mga taong mas gustuhin ang maglakad kesa sumakay.…

Read More

RICE IMPORTS NG PINAS ITINIGIL NG VIETNAM DAHIL SA COVID?

SAAN kaya pupulutin ngayon ang lahi ni Juan Dela Cruz matapos na hindi na tayo pagbentahan ng bigas ng Vietnam? May plano sanang mag-import ng bigas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Philippine International Trading Center (PITC) na tinawag na government-to-government (G2G) rice importation scheme. Inapruban ng Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang planong pagbili ng 300,000 metriko tonelada ng bigas sa Vietnam. Pero umayaw ito dahil sa kanilang pangangailangan ngayong nasa gitna ng pandemya ng COVID-19. Ito ngayon ang malaking…

Read More

GABAY NA LIWANAG SA PAGLABAN SA PANDEMYA

ILANG beses na nating nasaksihan ang positibo at napakama tinding epekto ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Ngayong panahon ng pandemya ay muli nating nakikita kung paano ito ipinamamalas ng dalawang sektor ng lipunan. Bagama’t wala pang bakuna laban sa COVID-19, nakatitiyak ako na ito ay magiging daan upang mapagtagumpayan natin ang pan demyang ito. Ang pagtutulungan na ito ang magsisilbing pag-asa at gabay patungo sa muling pag bangon nang sama-sama. Sa kabila ng isyung kinakaharap ng Meralco at sa suliranin sa billing ng mga customer na kanilang…

Read More

PDU30 MAGBIBIGAY NG PUBLIC ADDRESS MAMAYA MULA SA DAVAO CITY

duterte12

MULA sa Davao City ay nakatakdang ihayag mamaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang regular na public address hinggil sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa COVID crisis. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ngayong araw ng Martes, Hulyo 7 ang nakagawiang mensahe sa bayan ng Pangulo. Kaugnay nito, inaabangan ng publiko mula sa Chief Executive ang status ng community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa batay sa pagsunod ng mga tao sa mga ipinatutupad na security protocols laban sa COVID-19. Sa ngayon ay nananatili sa…

Read More

DOH, NAG-EMERGENCY HIRING NA NG HEALTH WORKERS PARA SA CEBU

NAGSASAGAWA na ngayon ang Department of Health (DoH) ng emergency hiring para sa mga health worker. Nakarating kasi sa Malakanyang na ang mga health worker sa Cebu ay burnout na at pagod na sa trabaho dahil sa pagdami ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, first priority na ngayon ang Cebu kapag dumating ang mga biniling personal protective equipment (ppe), ventilators at iba pa. “Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring…

Read More