MRT 3 TIGIL-OPERASYON; 186 EMPLEYADO TINAMAAN NG COVID-19

PANSAMANTALANG sususpendihin ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula ngayong Martes, July 7. Kaugnay ito ng paglobo ng bilang ng mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19. Base sa datos ng Department of Transportation nitong Lunes, 57 pa ang nadagdag na mga tauhan ng railway system na tinamaan ng virus simula noong nakaraang linggo kaya sumampa na ito sa 186. 169 umano sa mga ito ay depot personnel habang 17 ay naka-assign sa mga istasyon. Layon ng suspensyon ng operasyon na bigyang daan ang pagsasagawa ng…

Read More

P10-B PONDO NG RCEF, ‘DI KAILANGAN NG DAGDAG MULA SA COVID-19 BUDGET

IPINALIWANAG ni Senador Cynthia Villar na sapat ang P10 bilyong pondo kada taon ng Rice Tariffication Law na awtomatikong inilalaan sa pambansang badyet alinsunod sa itinakda ng batas hanggang sa susunod na anim na taon. Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food, na hindi kailangan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang karagdagang pondo mula sa COVID-19 prevention budget. Ayon kay Villar, hindi para sa RCEF ang hinihinging karagdagang pondo ng Department of Agriculture na gagamitin ng ahensiya sa ibang programa nito. “Bukod sa…

Read More

PETISYON LABAN SA ATC APRUB KAY LACSON

BUO ang tiwala ni Senador Panfilo Lacson na lubos na mauunawaan ang nilalaman ng Anti-Terrorism Law sa kasong isinampa ng ilang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema. “Democracy at work. Kailangan talaga i-encourage nga natin, as many petitions na i-file nila mas maganda, para talagang pag-usapan nang husto. Mas maganda magkaroon ng oral argument para ang ating SolGen maidepensa nang husto ang constitutionality. Pero ina-assure nga natin ang batas na ito, it is a good law, swift, effective and most importantly constitutional,” pahayag ni Lacson, na nanguna sa pagsulong…

Read More

PLASMA BANKS SAGOT SA COVID-19

HABANG wala pang natutuklasang gamot laban sa COVID-19 ay dapat magtayo ng plasma banks sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa buong bansa. Ito ang panawagan ni Senador Imee Marcos kung saan ang pagbuo aniya ng plasma banks sa lahat ng pampubliko at pribadong ospital sa bansa ay malaking tulong habang naghihintay ng epektibong bakuna laban sa naturang virus. Aniya, ayon sa mga medical research na ang yellowish liquid na bahagi ng dugo ng tao na tinatawag na plasma, na nakukuha sa mga pasyenteng gumaling sa coronavirus pandemics tulad…

Read More

UWIAN NA NG MGA OFW, GOBYERNO HANDA NA BA?

MARAMING overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait ang nababahala sa lumabas na balita ukol sa planong pagbabawas ng bilang ng mga dayuhang manggagawa sa naturang bansa. Ayon sa balitang lumabas sa Arab Times, i­napbrubahan na ng Kuwait Parliament ­Legislative Committee ang matagal ng mungkahi na bawasan ang bilang ng mga ex­patriate o dayuhang manggagawa sa layuning maging balanse ang populasyon nito sa mga Kuwaitis. Ayon sa statistics noong 2017, ang Kuwait ay may populasyon na umaabot sa 4.7 milyon. At base sa mungkahing i­naprubahan ng komite, hindi dapat tumaas…

Read More

MALASAKIT NG GOBYERNO DAPAT IPARAMDAM SA VAWC VICTIMS

ANG mga kaso ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata ay patuloy na tumataas sa bansa sa gitna ng patuloy na pagpapairal ng quarantine. Kaya nais nating hikayatin ang gobyerno na maging mas visible at iparamdam naman ang malasakit para sa mga biktima. Ayon sa ulat, ang mga kaso ng VAWC sa bansa ay tumaas sa 4,260 noong nakaraang Hunyo 11 mula sa 3,699 na naitala na mga kaso noong Hunyo 4. Nauunawaan natin na unti-unti nang nasasaid ang ating mga pondo, ngunit ang gobyerno ay may isang…

Read More

5 kawani positive sa COVID-19 2-WEEK LOCKDOWN SA NAVOTAS BRGY HALL

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-036, series of 2020, nakasaad na isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan Barangay Hall at ang mga lugar na sakop ng 50-meter radius nito makaraang limang kawani ng barangay ang nagpositibo sa COVID-19. Ayon sa nasabing order, nagsimula ang lockdown alas-5:01 ng umaga nitong Hulyo 5 at tatagal hanggang 11:59 ng gabi sa Hulyo 18. “Tandaan po na dahil laganap na ang COVID-19, wala tayong kasiguruhan kung sino-sino na ang apektado nito. Meron…

Read More

165 NAGPOSITIBO SA RAPID TEST SA 31 BRGY. SA MAYNILA

UMABOT sa 165 indibidwal ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang rapid test sa kabuuang 8,018 katao ng Manila Health Department (MHD) mula sa 31 barangay na isinailalim sa lockdown sa lungsod ng Maynila. Ayon sa MHD, sa District 1 ay umabot sa 62 ang nagpositibo mula sa 3,719 na isinailalim sa rapid test; District 2, anim ang nagpositibo; sa District 3, 62; District 5, 28, at District 6, pito ang nagpositibo. Gayunman, isasailalim sa swab test ang mga nagpositibo upang makumpirma kung talagang mayroon silang COVID-19 at saka sila ilalagay…

Read More

22-ANYOS NI-RAPE SA INUMAN

rape200

NILASING saka ginahasa ng kanyang kainuman ang isang 22-anyos na babaeng may live-in partner, sa isang condominium unit sa Malate, Manila noong madaling araw ng Sabado. Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip ang suspek na kinilalang si Francis Martin, 34, may kinakasama, maintenance service crew sa Imperial Tower Condominium sa A. Mabini St., Malate at residente ng Blk. 56, Lot 9, Mabuhay Homes, Phase 2- E, Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna. Batay sa ulat ni P/Cpl. Sarah May Medinilla na isinumite kay P/Lt. Col. Ariel Caramoan, station commander ng Manila…

Read More