HINDI pera ng ABS-CBN corporation ang mahigit P14 Billion na binayaran ng mga ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula 2016 hanggang 2019 kundi pera ng kanilang mga empleyado at mga kumpanya na katransaksyon ng mga ito. Ito ang lumabas sa paggisa ni Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga sa mga opisyales ng ABS-CBN hinggil sa usapin ng buwis na binayaran at hindi umano binayaran ng nasabing network. Sa interpelasyon ni Barzaga sa mga opisyales ng ABS-CBN, napaamin ang mga ito na hindi pera ng mga Lopez o ng…
Read MoreAuthor: admin
DYIPNI BALIK-KALSADA NA
APRUBADO na ang pagbabalik pasada ng mga tradisyunal na jeep simula ngayong araw ng Biyernes. Ito ay matapos payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling makabiyahe ang mga dyipni sa bisa ng apat na pahinang Memorandum Circular ng ahensya na may petsang June 30. Sakop ng pagbabalik operasyon ang nasa 6,002 unit ng jeep na bumibiyahe sa 49 na ruta. Bukod sa mga ruta sa loob ng Metro Manila, mayroon din ilang ruta na binuksan mula sa NCR papunta sa ilang kalapit na lungsod sa labas.…
Read More15-HOUR DRIVING LECTURE SA KUKUHA NG STUDENT PERMIT
APRUBADO kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang plano ng Land Transportation Office (LTO) na sumailalim ang lahat ng aplikante sa student permit ng 15-oras na theoretical session bilang prerequisite sa pagbibigay ng naturang dokumento. Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on Public Order and Dangerous Drugs na suportado niya ang pagkilos ng LTO upang maituro ang disiplina at kinakailangang driving skill sa mga bagong drayber na makapagliligtas ng buhay sa lansangan. Nitong Marso, pinangunahan ni Dela Rosa ang pagdinig ng kanyang komite, sa tulong ng…
Read MoreWALANG NMAT, PWEDENG MAG-ENROLL SA MED SCHOOLS
BINIGYAN ng go signal ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga medical school na tumanggap ng mga estudyante kahit hindi pa nakakakuha ng National Medical Admission Test (NMAT). Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, ang desisyon ng en banc ng komisyon ay tugon na rin sa mga apela na payagang maipursige ang medical education kahit walang NMAT. Hindi rin kasi natuloy ang NMAT ngayong Marso dahil sa pandemya na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID- 19). Gayunman, nilinaw ng CHED na iiral lamang ang desisyong ito para…
Read MoreMarami ang under reported – Sec. Galvez 50% RECOVERIES NG PINAS SA COVID-19
NANINIWALA si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na naglalaro sa 40 hanggang 50 porsiyento ang nakakarekober sa mga tinamaan ng corona virus sa bansa. Ani Galvez, idinedeklara lang naman kasi sa listahan ng mga recovered ang mga na-admit o na-confine. Aniya, sa ngayon ay may nakikita silang under reported recoveries kabilang ang mga kinapitan ng virus na hindi naman namalagi sa ospital. “So iyon po ang nakikita po namin na napakaganda po ng mga indicators. Sinasabi ko nga po, una, bumaba po, almost single digit…
Read MorePAGLIKHA NG TRABAHO, TINUTUTUKAN NG GOBYERNO
SINIGURO ng Malakanyang na maraming nakalatag na programa ang pamahalaan para makalikha ng employment sa gitna ng pagkawala ng trabaho dahil sa lockdown. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tulong-tulong ang iba’t ibang kagawaran sa pagkakaroon ng kani-kanilang lending program for livelihood gaya ng OWWA, DOLE, Dept. of Agriculture at DTI. “Magkakaroon po tayo ng marami talagang mga pautang para po makapagsimula ng negosyo ang ating mga mamamayan,” ayon kay Sec. Roque. “Sa ngayon po, kanya-kanyang departamento, mayroon silang lending program for livelihood, mayroon po ang OWWA; mayroon po ang…
Read MoreSSS MAY CASH AID SA MGA JOBLESS DULOT NG COVID-19
INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na mayroon silang programang Unemployment insurance benefits na layong tulungan ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara ang kanilang pinapasukang trabaho dulot ng pandemya. Sa Laging handa public briefing ay sinabi ni SSS President Aurora Ignacio na simula noong naging epektibo ang programa noong Aug. 2019 ay higit 30,000 empleyado na ang nag-apply kung saan nakapagpalabas na sila ng P354M na pondo para sa kanilang loan application. Sa kabilang dako, nito lamang June 1 – 23 ay nasa 4,496 na aplikasyon ang kanilang natanggap…
Read MoreIniyabang na COVID report, itinanggi ng WHO; NA-FAKE NEWS SI KIKO
MISTULANG biktima ng fake news si Senador Francis Pangilinan matapos itanggi ng World Health Organization (WHO) ang ulat na sa kanila nanggaling ang konklusyon na nangunguna na ang Pilipinas sa coronavirus cases sa Western Pacific region. Pinatulan kasi ng senador ang ulat matapos malathala sa isang pahayagan. Nauna nang sinabi ni Pangilinan na ayon sa pagsusuri ng WHO, Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID. “Yan ang diplomatic na paraan ng pagsabi na tayo sa Pilipinas ang pinakamalala sa buong Western Pacific region. Yan ang pagbubukod-tangi ng…
Read MoreABS-CBN THE END NA?
MATUTULDUKAN na nang tuluyan ang operasyon ng ABS-CBN matapos isyuhan na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order (CDO) ang Sky Cable kaugnay ng napaso nilang prangkisa. Sa tatlong pahinang CDO na inilabas ng NTC nitong Martes, Hunyo 30, inatasan ang Sky Cable na huminto sa kanilang operasyon dahil napaso na ang kanilang prangkisa noong Marso 30, 2020. “In view thereof, upon receipt of this Order, Sky Cable Corporation is directed to: Immediately Cease and Desist operating its Direct Broadcast Satellite Service authorized under Case No.…
Read More