DAHIL pa rin sa pangamba sa Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (NCOV-ARD), kinansela na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito ngayong taon. Sa emergency meeting na ipinatawag ng PSC, nagkasundo ang Executive Board sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez, kasama sina Commissioner Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin, na i-postpone ang halos lahat ng mga nakatakdang programa nito para sa taong 2020. Kabilang sa mga naka-iskedyul na events ng PSC ang National Sports Summit at Philippine National Games, at maging…
Read MoreAuthor: admin
WAP TUTOK SA PINOY WRESTLERS
TAGLAY ang kanilang matagumpay na kampanya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games, target ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) na makadiskubre ng maraming world-class athletes na isasabak sa international competitions. Sinabi ni WAP president Alvin Aguilar, sapat ang talento ng Filipino wrestlers para makipag-compete sa pinaka-magagaling sa buong mundo, maging sa Olympics. “We are very confident that we have the talents to make it all the way to the Tokyo Olympics,” saad ni Aguilar sa 54th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club…
Read MoreABL ‘DI NAKALIGTAS SA NCOV
ILANG games ng Asean Basketball League (ABL) ang nakansela dahil sa ipinatutupad na travel restrictions sa ilang bansang kasali sa kompetisyon bunga ng novel coronavirus outbreak. Ayon sa ABL, binibigyan lang nila ng prayoridad ang kalugusan ng kanilang teams, players, personnel at fans. Narito ang listahan ng iba pang na-reschedule na games: Formosa Dreamers vs. Hong Kong Eastern sa Pebrero 8, sa Changhua County Stadium, Changhua, Taiwan; Kuala Lumpur Dragons vs Macau Black Bears sa Peb. 9, sa MABA Stadium, Kuala Lumpur, Malaysia; Formosa Dreamers vs Hong Kong Eastern sa…
Read MoreCASIMERO KUMPIYANSA vs INOUE
LUMIPAD na kahapon si WBO bantamweight champion John Riel Casimero patungong Miami, Florida upang doon simulan ang paghahanda sa unification showdown kay Japanese champion Naoya Inoue. Ito ang maituturing na pinakamalaking laban ni Casimero, bagama’t naging kampeon na rin siya sa junior flyweight at flyweight divisions. Sa presscon-cum-sendoff kamakalawa sa Amelie Hotel (Manila), kumpiyansang sinabi ni Casimero na hindi siya natatakot kay Inoue. “Hindi ako natatakot sa kahit sino. Kahit sa timbang ko ngayon, ako yata ‘yung pinakamalakas sa 118 pounds,” deklara ng 29-anyos na si Casimero (29-4, 20 KOs).…
Read MoreUS EMBASSY SINABUYAN NG PINTURA
ARESTADO ang ilang kababaihan na kabilang sa grupo ng mga kabataang aktibista, makaraang sabuyan ng pintura sa harap ng US Embassy sa Maynila, nitong madaling araw ng Huwebes. Ayon sa ulat ng pulisya, humalo sa joggers sa Baywalk ang mga raliyista na mga miyembro ng ng Anakbayan at League of Filipino Students, at nang makalapit sa embahada ay sinabuyan ito ng pintura. Isang pulis ang tinamaan ng inihagis na mga plastik na may lamang pintura. Tinangka rin nilang sulatan ang pader ngunit itinaboy sila ng mga pulis gamit ang mga…
Read MoreNAMAGITAN SA GULO; 16-ANYOS GRINIPUHAN, KRITIKAL
INOOBSERBAHAN sa Tondo Medical Center ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang saksakin sa tagiliran habang umaawat sa away ng kanyang kaibigan sa Malabon City. Kinilala ni Malabon City Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) investigator P/Cpl. Rosemarie Mallari, ang biktimang si John Ferson de Roma ng Brgy. Bayanbayanan, habang ang suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Jervin”. Ayon sa mga awtoridad, naglalakad ang biktima at kanyang kaibigan na si alyas “Jandie” sa kahabaan ng Liwayway St. Brgy. Bayanbayanan dakong ala-1:00 ng madaling araw nang makasalubong nila ang suspek na humarang…
Read MoreSINITA SA TRAFFIC VIOLATION; CHINESE TIMBOG SA DALANG DROGA
ARESTADO ang isang Chinese national dahil sa dalang ilegal na droga nang sitahin ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau dahil sa traffic violation sa Maynila nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Pablo Misador Chu, nasa hustong gulang, naninirahan sa Nobel Place sa Binondo, Manila. Bukod sa number coding, nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagdadala ng shabu. Posible ring makasuhan ang suspek ng attempted homicide dahil sa pagbangga niya sa dalawang…
Read MorePUP STUDENT TUMALON SA CONDO
PATAY ang isang 18-anyos na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) makaraang tumalon mula sa roofdeck at bumagsak sa ground floor ng isang condominium sa Sta. Mesa, Manila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Peter John Rostata y Canonoy, binata, estudyante ng PUP-Manila at residente ng Valdez St., Sampaloc, Manila. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Boy Nino Baladjay kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 9:10 ng gabi nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa roof deck ng El Pueblo…
Read MoreGANTI SA PANANAPAK NG ANAK; 20-ANYOS KRITIKAL SA TAGA NG AMA
CAPIZ – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos na binata makaraang tagain ng kanyang ama bilang ganti umano sa pananapak ng biktima habang sila ay nag-iinuman, iniulat nitong Huwebes ng gabi sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Kyle Bryan Diaz, habang nadakip naman ang ama nitong si Gesal Diaz, 45-anyos, kapwa residente ng Barangay Centro, Dao, Capiz. Batay sa report ng Dao Police Station, nangyari ang insidente sa ng bahay ng mag-ama habang sila ay nag-iinuman. Nang malasing umano ang dalawa ay bigla na lamang magkaroon ng…
Read More