PBA ALL STAR DADAYO SA ILOILO

DADAYO sa Passi, Iloilo ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa All-Star games. Maliban dito, limang games pa ang isasagawa sa probinsiya sa All-Filipino Cup na magsisimula sa Marso 1 hanggang Hunyo 2020. Magpapahinga sa kalagitnaan ng Commissioner’s Cup ang liga upang isagagawa sa Hulyo 10 hanggang 12 ang tradisyunal All-Star Game. Plano ng PBA na magkaroon ng mas maraming provincial games ngayong taon upang mas maraming makapanood nang live. Kumpirmado nang bukod sa Iloilo ay lilibot ang Philippine Cup sa Bataan, Cagayan De Oro, Panabo, at Dipolog. Dadalhin din…

Read More

OLYMPIC SPOT TARGET NINA CABALLERO, DELGACO

SASABAK sina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco sa FISA (World Rowing Federation) Asia and Oceania Olympic Qualifying sa Abril 21 sa South Korea, kung saan tatlong spots sa Olympic Games ang nakataya. Sina Caballero at Delgaco ay tatangkaing makapagtala ng mas mabilis na clockings upang masigurong makakuha ng slot sa Tokyo Olympics. Sa nakaraang taong Asian Rowing Championship, si Caballero, double gold winner sa 30th SEA Games, at si Delgaco ay nagmintis sa podium finish nang halos tatlong segundo. Tumapos silang pang-apat sa likod ng nanalong China, South Korea…

Read More

95TH NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL: AU DUMIKIT SA FINAL 4

NAKABAWI ang titleholder Arellano University mula sa second set loss para talunin ang Letran, 25-14, 26-28, 25-19, 25-16 at dumikit sa Final Four spot ng 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre. Nasa set point na ang Lady Knights, 24-19 nang umsikor ang Lady Chiefs ng limang sunod at gawing 24-24 ang iskor. Pero, naunahan pa rin ng Letran ang Arellano para kunin ang second set. Pagpasok ng third set, nabawi ng Arellano ang composure at muling dinomina ang kalaban at sa huli ay inilista ang…

Read More

PH TAEKWONDO JINS SASABAK SA ASIAN OQT

NAKATAKDANG sumabak sa serye ng Olympic qualifying tournament ang magagaling na Pilipino taekwondo jins na naghahangad makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Games simula Hulyo 24 hanggang Agosto 9. Kabilang sa mga ito sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa, Dave Cea at Samuel Morison, na pawang gold medallist sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa dalawang buwan na ang nakararaan. Nais ng Philippine Taekwondo Association na makapagpadala ng mas maraming atleta sa Tokyo Olympics para sa inaasam na mailap na gintong medalya. Nilimitahan lamang ng world governing…

Read More

TOKYO GOLD, MAKINANG PARA SA PILIPINAS

SA nakaraang Southeast Asian Games, maraming sports ang masasabing tumatak sa isipan ng mga Pinoy na posibleng pagmulan ng mga bagong celebrated athletes ng bansa. Bukod sa Arnis na humakot ng 14 gold medals, bida din ang Dancesport na kumolekta ng 10 gold medals habang ang madalas na inaasahan pagdating sa medal harvest, ang athletics ay humarbat ng 11 gold medals. Overall champion ang Pilipinas sa kanilang 149 gold medals kaya naman ganoon na lang ang pag-asa ng mga Pinoy sports fans na magiging maganda ang kapalaran ng bansa sa…

Read More

LIZA DIÑO SEGUERRA EMOTIONAL SA EDDIE GARCIA ACT

Emotional si FDCP Chair Liza Diño Seguerra sa kanyang Facebook post kahapon kaugnay sa Eddie Garcia Act. Aniya, “I never thought this day would come. But it’s finally happening. “I said to myself before; if there’s only ONE thing na magagawa ko para sa industriya ng pelikulang Pilipino as head of FDCP, it would be to push for a law that would set standards on the working conditions of our workers — from working hours to occupational safety and health guidelines on the set, to social benefits, tenure and a…

Read More

JOHN LUCAS MARKADO ANG PAPEL SA BLOCK Z

Medyo malaki at medyo markado ang papel ng dating Hashtags member na si Jon Lucas sa zombie movie na Block Z. Gumanap siya bilang katropa ni Joshua Garcia. Na-guilty pa si Joshua na iniwan niya ito sa gym nang humingi ito ng tulong habang inaatake ng zombie. Nasa trailer pa si Jon… pero hindi siya nabanggit sa promo. Waley sa poster. Kapuso na kasi si Jon. Kabilang siya sa bagong Kapuso primetime series na “Descendants of the Sun”. Member siya ng Alpha team na pinamumunuan ni Dingdong Dantes. Magpa-pilot telecast…

Read More

LOVI POE MASAYANG-MASAYA SA SURPRISE BIRTHDAY PARTY

Masayang-masaya si Lovi Poe sa surprise birthday party para sa kanya ng mga kaibigan nitong Monday night sa The Frazzled Cook, Brgy. Laging Handa, QC. Kabilang sa mga dumalo roon ang ate niyang si Senador Grace Poe, Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie, Benjamin Alves, Direk Joel Lamangan, Direk Jay Altarejos, Ricky Lee, Albie Casino, Bernard Cloma, Shirley Kuan, Manny Valera, at si Tony Labrusca na leading man niya sa Viva movie na Hindi Tayo Pwede. Syempre pa, punong-abala roon ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez. Kahit nasa Paris,…

Read More

MARCELITO POMOY PASOK SA GRAND FINALS SA AMERICA’S GOT TALENT

PASOK si Marcelito Pomoy sa grand finals ng America’s Got Talent: The Champions! Wagi sa semi-finals ang taos-pusong pag-awit niya ng “Time to Say Goodbye” na duet nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman. Nag-standing ovation ang audience, maging ang apat na hurado na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum at Simon Cowell. Pahayag ni Howie, “I gotta say that I believe that you have the best shot of winning this whole thing. This is the semifinals and you raised your game. “The woman in you was just as good…

Read More