Ang isa pang nakakalokang eksena noong papunta kami ng Bacolod. Nasa eroplano kami, dinig na dinig namin ang boses ng isang lalaki na parang may tinatalakan siya. Parang may kausap siya na isang general. Nagkaproblema yata sa driver niya na nahuli. Hindi ko lang alam ang buong detalye kung may nakita bang baril or something! Nakakaloka! Kasi ang dami dami niyang kinausap na iritable na siya. Kaya dinig na dinig namin ‘yung tinatalakan niya. Si Kevin Tan pala iyun na anak ni Andrew Tan ng Resorts World. Pagbaba namin ng…
Read MoreAuthor: admin
4 CHILD STARS BIBIDA SA FANTASY MOVIE, MAGKLIK KAYA?
SOBRANG naaliw ako sa biyahe ko pa-Bacolod this weekend. Kasi inimbitahan kami ng dating Cong. Albee Benitez para ma-tour kami sa ipinatayo niyang theme park sa Silay, Negros Occidental. Ito nga ang kauna-unahang theme park sa Visayas na sinisimulan nang dinadayo ng mga tagaroon. Noong October lang ito nag-open pero soft opening pa rin hanggang ngayon, dahil kinukumpleto pa ang ibang rides nila at ilan pang attractions sa theme park na iyun. In fairness, maganda ang feedback kahit kabubukas pa lang. Napakabait daw ng mga staff at affordable naman daw…
Read MoreDIMPLES: ‘MISS NA MISS KO NA ANG PAMILYA KO!’
Malaki ang pasasalamat ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto dahil maraming naipon ang aktres dahil dito. Kabi-kabila ang naging endorsements ng aktres dahil sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa naturang serye. “Nabilhan ko ng bahay ‘yung nanay ko at saka makakapag-aral si Callie sa gusto niyang eskwelahan dahil dito. Callie will finish as a pilot because of Kadenang Ginto, and that means golden to me.” “I will never forget. Callie will be off to college next year, for aviation in Australia. And because she will be leaving,…
Read MoreFR. SUAREZ PUMANAW NA
PUMANAW na ang kontrobersyal na healing priest na si Father Fernando Suarez matapos atakihin sa puso sa loob ng Ayalang Alabang Club House Tennis kahapon ng hapon sa Muntinlupa City. Ito ang kinumpirma kahapon ni Deedee Siytangco, tagapagsalita ni Fr. Suarez, 53, na nagsabing dumanas ng massive heart attack ang nasabing pari. Sinabi ni Siytangco, dakong alas-3:00 ng hapon nang mawalan ng malay si Fr. Suarez habang ito ay naglalaro ng tennis sa loob ng Ayala Alabang Clubhouse. Naisugod pa si Fr. Suarez sa Asian Hospital subalit hindi na ito…
Read More3 TRIKE INARARO NG TRUCK, 1 PATAY
BATANGAS – Patay ang isang tricycle driver matapos araruhin ng dump truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa national highway sa Barangay Buhay na Sapa, sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Dante Mariano matapos unang mahagip ng dump truck ang hulihang bahagi ng kanyang minamanehong tricycle. Bahagyang nasugatan din ang asawa ng biktima at ang kanyang tatlo pang pasahero. Base sa report ng San Juan police, nabangga ng dump truck ang dalawang tricycle na sinusundan…
Read MoreTOP 12 MWP SA BANSA TIMBOG SA REGION 3
TARLAC – Nakorner ng pulisya ang top 12 national level most wanted person (MWP) na may patong na kalahating milyong sa kanyang ulo at nagtago ng halos dalawang dekada, nang salakayin ng pulisya na armado ng warrant of arrest, ang kanyang hide-out sa Barangay O’Donnell sa bayan ng Capas sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Police Office (PRO3), ang suspek na si Mario Valerio y Ponce alyas Ruben Basa, 54, may asawa ng Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac,…
Read MoreLUMAPIT SA TAGAYAN RIDER BINARIL
DAVAO City – Agad nalagutan ng hininga ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ng isang lasing na lalaki nang lumapit ang biktima sa grupo ng kalalakihang nag-iinuman sa lungsod na ito. Nangyari ang insidente sa Purok Narra, Barangay Binaton, Digos City, sa Davao del Sur, nitong hapon ng Lunes. Sa ulat ng Digos City Police Station, kinilala ang biktimang si Terry Oton Bunod, 44, habang ang suspek ay si Raymart Reyes Cabanilla, 25-anyos. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, habang nag-iinuman ang suspek at mga kaibigan nito nang lumapit ang biktima.…
Read More3 TULAK BULAGTA SA DRUG OPS
CAVITE – Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilag ang top 1 most wanted person na dati nang nakulong, makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Cavite Police sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigang ito. Kinilala ang mga napatay na sina Ariel Vanta; 46; Rolando Dicog, at Reynier San Agustin, kapwa nasa hustong gulang. Sa ulat ni P/Corporal Jumar Bedural ng Cavite City Police Station, dakong alas-8:05 kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa loob ng public…
Read MoreLALAKI BINALATAN ANG MUKHA
ZAMBOANGA Sibugay – Natagpuan ang isang lalaki na tadtad ng saksak sa katawan at wala nang balat ang mukha sa lalawigang ito. Dahil dito, hindi nakilala ng mga awtoridad ang biktimang may 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Bukod dito, halos maputol na ang kanang kamay ng biktima. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng binalatan ng suspek ang mukha ng biktima upang hindi ito makilala. Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Gamalinda Funeral Homes habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen. (KIKO CUETO) 305
Read More