BENGUET – Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang lima pang pasahero ng Tamaraw FX matapos na salpukin ang nakaparadang closed van, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na sina Melber Caligtan, 32-anyos at Kevin Fermin, 25-anyos, at kapwa residente ng Taloy Sur, Tuba, Benguet. Sugatan naman sina Komatso Mallari, driver ng sasakyan, 31; Cedrick Pili Dapyawen, 22; Vincent Banao Pacas, 23; Orlando Bayusa Fermin, 47, at Kerwin Bayda, 23-anyos. Batay sa report ng Tuba Police Station, nangyari ang insidente sa Taloy Sur Proper,…
Read MoreAuthor: admin
SANGGOL NABITIWAN NG INA, PATAY
ILOCOS Sur – Basag ang bungo ng isang 2-buwang gulang na sanggol makaraang mabitiwan ng ina nang mawalan ng balanse sa kanyang kinauupuan habang sakay ng kurong-kurong, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang sanggol na si Jelyn Munar habang ang ina ay si Elena Manuela, taga Bautista, Caba, La Union. Batay sa report ng Ilocos Sur PNP, nangyari ang insidente sa national highway ng Barangay Magsaysay, Santa Cruz, Ilocos Sur. Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Geralbie Bodaño Manuel, 39-anyos, ang kurong-kurong habang sakay ang mag-ina…
Read MoreGRAFT CASE NA ISINAMPA NI CUATON VS COMELEC OFFICIALS; REP. MERCADO NO COMMENT
“WHAT shall I say?” Ito ang tugon ni Southern Leyte Rep. Roger “Going” Mercado sa graft and corruption case na isinampa ni dating St. Bernard Southern Leyte Mayor Napoleon Cuaton laban sa mga Commission on Elections (Comelec) officials sa pagpoproklama sa kanya bilang lone district representative ng nasabing lalawigan. Sa panayam ng SAKSI Ngayon kay Mercado, ayaw nitong magsalita hinggil sa kasong isinampa ni Cuaton sa Office of the Ombudsman laban kina Comelec Chairman Sheriff Abas at mga commissioner na sina Al Parreno, Louie Tito Guia, Maria Rowena Amelia Guanzon,…
Read MoreTRADER NA-HIPNOTISMO SUSPEK KALABOSO
DINAMPOT kamakalawa ng hapon ang isang 34-anyos na misis matapos na ma-hipnotismo at magantso umano ang isang negosyanteng itinuring siyang “beshie”at pinagkatiwalaang maglakad ng business permit ng biktima kapalit ng malaking halaga sa Caloocan City. Sinampahan ng kasong attempted estafa at paglabag Anti-Red Tape Act of 2007 ang suspek na si Mary Ann Tumalad, ng #333 2nd St., corner 8th Avenue, Brgy. 107, matapos mahuli sa harap ng isang convenience store sa kanto ng 9th Avenue at 8th St. malapit sa Caloocan City Hall dakong alas-4:00 ng hapon noong Lunes. Napag-alaman,…
Read MoreJOBLESS TIMBOG SA P349-K SHABU
TIMBOG ang isang binatang tambay na kabilang sa drug watchlist sa Maricaban, Pasay City makaraang isumbong ng kapitbahay hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga. Naaktuhan nina P/Cpl. Jose Mario Blas at mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Pasay City Police Station, ang suspek na Keith Malaque, residente ng #0288 R. Higgins St., Brgy. 185, Zone 18, Maricaban, Pasay City, habang hawak ang nakabuhol na plastic sachet ng shabu at nang kapkapan ay nakakuha rin ang sigarilyo na may lamang tatlong sachet pa ng shabu. Mabilis na inaresto ang…
Read More3 NIRATRAT HABANG BUMABATAK
TATLO katao ang sugatan, kabilang ang 15-anyos na dalagita, makaraang pagbabarilin ng isang lalaki habang umano’y tumotoma at bumabatak ng ilegal na droga ang mga biktima sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang isa sa mga biktimang isinugod sa Tondo Medical Center, na si Jonathan Bacud, nasa hustong gulang, residente ng Block 10, Lot 9, Magsaysay St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod. Habang nakatakas ang suspek na kinilalang si Jerry Fabia, 47, ng Magsaysay St., Brgy. San Andres. Ayon sa pulisya, tumotoma at bumabatak ang mga biktima…
Read MorePCSO BAGSAK ANG REVENUE
PINAG-IISIPANG baguhin o tanggalin na lamang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga kasalukuyang laro ng ahensiya, kasunod ang balakin na maglunsad ng bagong games na tatangkilikin ng mga Filipino bettor para mapalakas at makabawi sa nawalang kita nitong nakalipas na taon. ”Definitely maraming nasa pipeline na mga games marami rin repackage na games we should address the decline sa games namin,” pahayag ni PCSO Assistant General Manager for Gaming Arnel Casas sa isang press briefing nitong Martes. Gayunman, sinabi ni Casas na hindi pa nila napag-uusapan kung anong…
Read MoreASF KALAT NA SA MINDANAO
DISMAYADO ang isang mambabatas sa pagkalat ng African Swine Fever sa maraming bayan sa Davao Occidental na posible umanong makaapekto rin sa iba pang lugar sa Mindanao. Pahayag ni Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat noong nagpatawag ng House Probe para imbestigahan ang disease outbreak, “Ipinangako ng mga kinauukulan na hindi kakalat ang sakit sa labas ng Luzon, mapananagot ang mga may kinalaman dito at matutulungan àng mga kababayan nating napinsala ang kabuhayan. Parang hindi ito ang nangyari, at sa mga balita nitong nakaraang araw kung saan lumala pa ang sitwasyon”.…
Read MoreMISIS HINIPUAN, OBRERO SWAK SA KARSEL
SA karsel na nahimasmasan ang isang lalaki makaraang hipuan sa dibdib ang isang bagong panganak na ginang habang bumibili ng disposable diaper sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi. Sa balikat lamang ng biktimang itinago sa pangalang “Shakira,” 23, unang dumapo ang pangahas na kamay ng suspek na si Jerome Jalimao, 42, construction worker, ng #19 Ligaya St., Serrano Subdivision, Brgy. Marulas, habang bumibili ng diaper ang biktima sa isang tindahan sa Anak Dalita, Serrano St. dakong alas-7:50. Hindi nakakibo ang biktima dahil sa takot nang maamoy na amoy-alak si Jalimao ngunit…
Read More