P23-B SEWER FEES ‘RAKET’ NG AYALA, MVP BISTADO NG SOLON

Rep Lito Atienza

Buwis ng Maynilad at Manila Water ipinasa sa taumbayan (BERNARD TAGUINOD) HINDI pa kuntento sa pabor na nakuha ang Manila Water at Maynilad sa water concession agreement, iniisahan pa nila ang kanilang mga kostumer sa kinokolektang sewage fees. Ito ang reklamo ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa dalawang nabanggit na kumpanya ng tubig sa Metro Manila dahil kolekta nang kolekta aniya ang mga ito para sa waste water treatment facilities subalit hindi nila itinatayo ang mga proyektong ito. Mistulang inihalintulad ng mambabatas sa ‘pangraraket’ ang patuloy na paniningil ng…

Read More

CORONAVIRUS-FREE SCHOOLS TIYAKIN

SEN GATCHALIAN-2

KINALAMPAG ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan ng mga paaralan laban sa banta ng bagong coronavirus na dumapo sa mahigit dalawandaan (222) katao sa apat na bansa sa Asya, kabilang ang China, Japan, South Korea, at Thailand. Sa pahayag, sinabi ni  Gatchalian na mahalagang maging handa ang mga paaralan upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral. Ayon sa Department of Health (DOH), isang pinaghihinalaang kaso ng novel coronavirus o 2019-nCoV ang inoobserbahan sa isang limang-taong gulang na batang lalaking lumipad…

Read More

TECHNOHUB DEAL PANALO: LUMIKHA NG 50K JOBS

TECHNOHUB

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LIBO-LIBONG trabaho ang nilikha ng kontrata ng Ayala Land Inc. (ALI) sa University of the Philippines (UP) para sa Technohub complex sa Diliman. Ayon sa ALI, magmula nang simulan ang operasyon noong 2008, ang ALI-UP partnership ay nakapagbigay na ng 50,000 trabaho. Kasabay nito, nilinaw ng kumpanya na sa ilalim ng kanilang development lease agreement sa UP para sa Technohub property, ang premier state university ay tatanggap ng  P171 per square meter kada buwan. Mas mataas ito sa P22-per square meter kada buwan sa loob ng…

Read More

BIGGEST PH DELAGATES IPAPARADA SA 2020 TOKYO OLYMPICS

2020 TOKYO OLYMPICS

KUNG makalulusot sa kani-kanilang qualifying event ang mahigit 50 Filipino athletes, inaasahang pinakamalaking bilang ng delegado ang maipadadala ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics. Ito ang napagusapan kahapon sa ginanap na Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee Tokyo Olympics meeting kung saan dumalo ang mga kinatawan ng 15 national sports association. “We are looking at the biggest delegation in the Olympics since 1967,” nagkakaisang sabi nina PSC Chairman William “Butch” Ramirez, Tokyo Olympics Team Pilipinas chef de mission Mariano “Nonong” Araneta, at POC Secretary General Ed Gastanes na nirepresenta…

Read More

VERY CLASSY KATHRYN

Alam mo kung minsan  maawa ka sa mga artista natin. Hindi na nila alam ang gagawin dahil sa sobrang komento ng mga tao na hindi mo alam kung ano ba napapala sa mga negatibo nilang sinasabi. Gaya ng kay Kathryn Bernardo na kumalat daw ang video na may nasabi salita dahil nabigla. Hindi ba natural naman kung minsan sa atin na dahil nabigla ka kung minsan accidentally medyo mura na ang lalabas sa bibig mo? Saka sa ganuon sitwasyon, automatic reaction lang, hindi ibig sabihin normal ng lumalabas sa bibig…

Read More

EXCITED SI ALDEN

ALDEN-12

SWAK: Excited na ang mga fans ni Alden Richards sa bagong programang ihu-host nito. Isang musical game show na kung saan mga bata ang kasali. Parang singing competition, pero may kakaibang rekado para iba nag concept. Centerstage ang title ng programa na kung saan ang bestfriend niyang si Betong Sumaya ang co-host niya. May tatlong judges din na sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos. Mas excited siyempre si Alden dahil malapit sa kanya ang mga bata at kakaibang experience daw na makaka-interact niya ang mga magagaling na mga …

Read More

BUTI NA LANG KFC ANG INI-ENDORSO NG KATHNIEL

KATHNIEL-5

Love is in the air! Konting kembot, kendeng at kandirit na lang, Valentine’s Day. Araw ng mga Puso, pinakahihintay ng mga magsing-irog! Syempre pa, inaabangan natin ang mga patalastas na humahaplos at kumukurot sa puso sa pagsapit ng V-day. May forever na pampakilig, Tito KC?! Aba! Sa Team Jollibee, andiyan ang patalastas ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto, na bida sa zombie movie na Block Z na showing sa Enero 29) at JaDine (James Reid at Nadine Samonte, este, Lustre). Sa Team McDo, andiyan ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion at…

Read More

KAI SOTTO, MVP SA TSF INVITATIONAL

PINATUNAYAN ni Kai Sotto na may “K” o karapatan siyang pag-agawan ng iba’t ibang international basketball teams nang pangunahan ang The Skills Factory (TSF) National sa King Invitational sa Atlanta noong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas). Inakay ni Sotto ang TSF National sa 112-102 panalo kontra Believe Prep ng South Carolina sa title match ng The Skills Factory King Invitational. Umiskor ang 7-foot-2 na si Sotto ng 27 points, 10 rebounds, 6 blocks at 4 assists sa loob lang ng 25 minuto para sa three-game sweep ng TSF. Dahil dito ay…

Read More

JULIA: ‘PINAG-WORKOUT TALAGA AKO NI DIREK MIK!’

Sa January 29 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang action-horror film na talagang maipagmamalaki raw ni Julia. “Ang daming best part sa film but one of them siguro is being able to work with direk Mikhail (Red). It’s actually Joshua who introduced me to direk Mik and he always said good things about him and told me good things about his work. When they called us for pitching…

Read More