Mabuting inilutang na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang cabinet meeting kahapon ang usapin sa pag-ban ng plastic. Aniya dahil sa lumalalang problema sa climate change, posibleng ang pag-ban sa paggamit ng plastic ay maging nationwide. Tama lang naman dahil kung lahat ay apektado ng salot at hindi madisiplinang paraan ng paggamit ng plastic, tiyak na ang solidong pagbabawal sa paggamit nito ay may positibong epekto rin para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Sa patas na paraan gagawin ito ng pangulo ng bansa. Idadaan niya ito sa legislative…
Read MoreAuthor: admin
MINDANAO
Namulat na ang mga mata kong likas na may kaguluhan sa Mindanao. Talaga namang matatapang ang mga tao riyan, masasalamin natin iyan sa kanilang mga epiko, na noon pa man ay mataas ang pag-value ng mga taga-Mindanao sa katapangan. Sa epikong Darangen halimbawa, ang bayani nito na si Bantugen ay sikat sa iba’t ibang kaharian dahil sa mga giyerang pinasok nito at pinanalunan. Hindi lamang mga lalaki, kundi may mga bayani rin tayong kababaihan sa Mindanao na kung makipaglaban sa digmaan ay inaabot ng tatlong araw. Bawat bundok ay iba’t…
Read MorePHILCO HUMAN RESOURCES, TINATAWAGAN NG PANSIN
Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ni Ako OFW Bukidnon Chapter President Anna Mahinay. Ang sulat ay mula kay Raquel Arabe na isang OFW mula sa Jeddah Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa Jeddah, K.S.A. noong February 15 sa pamamagitan ng PHILCO Human Resources Services Corp. Diumano, si OFW Arabe ay minamaltrato ng kanyang amo at sa katunayan ay tatlong beses na ikinulong sa kwarto. Dahil sa mga pagmamaltrato na kanyang nararanasan, ay tuluyan nang nanghihina ang kanyang katawan at tuluyan nang nagkasakit. Ngunit kahit alam ng kanyang amo…
Read MoreMAG-INGAT SA PAGBEBENTA NG PAGKAIN – SEN. GATCHALIAN
(Ni DANG SAMSON-GARCIA) PINAG-IINGAT ni Senador Win Gatchalian ang lahat ng mga paaralan sa bansa dahil posibleng lingid sa kanil-ang kaalaman ay nagbebenta na sila ng mga produktong positibo sa African Swine Fever o ASF. Kamakailan lang ay kinumpirma ng Bureau of Animal Industry o BAI sa ilalim ng Department of Agriculture o DA na positibo sa ASF ang mga produktong hotdog at skinless longganisa mula sa Mekeni. “Mahalagang mag-doble ingat ang mga paaralan lalo na’t mahilig ang mga bata sa ganitong klase ng mga produktong positibo sa ASF. Sa…
Read MoreDAING: COMFORT FOOD NG MGA PINOY
Daing, tuyo, bilad at pinikas. Tinatawag din itong bulad o buwad sa Cebu. Ang katawagan sa mga daing ay nag-iiba-iba rin kapag naibagsak na ito sa merkado o sa palengke. Iba’t iba mang katawagan, lahat iyan ay paborito ng mga Pinoy. Sinasabing pagkain ito ng mahihirap, pero ang totoo ay pagkain ito ng hindi mapili sa pagkain. Comfort food ito ng mga tunay na Pinoy, ika nga. Kahit payak lamang ang uri ng pagkain na ito ay sapat na sapat na at kung minsan pa ay tila langit ito sa…
Read MoreINSIDENTE SA SCARBOROUGH SHOAL
Nasagot na ng Philippine Coast Guard ang tanong ng marami kung sino ba dapat ang maghain ng reklamo laban sa China sa insidente sa Scarborough Shoal noong Setyembre 30 kung saan sinita ng Chinese Coast Guard ang isang Greek-owned pero Liberian-registered na crude oil tanker at puro Filipino ang mga nagpapatakbo nito. Binigyang linaw ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia na walang awtoridad ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang nasabing insidente dahil ang MV Green Aura oil tanker ay foreign-owned at hindi barko ng Pilipinas kahit pa sabihing puro…
Read MorePARABULA NG MAESTRO
Sabihin na lang nating may isang panaginip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi maganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Nakilala siya. Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus papunta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat…
Read MoreGUMAPANG NA SA NCR ANG MARTIAL LAW
Walang-awang pinatay si Reynaldo Malaborbor, coordinator ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (MAKABAYAN) sa Southern Tagalog noong Nobyembre 4 sa harap ng kanyang bahay sa Cabuyao, Laguna. Ang MAKABAYAN ay ang partido ng mga progresibong grupong party-list na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, ACT Teachers, Kabataan, Anakpawis, at iba pa. Gayundin, ni-raid ang tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) – Manila sa Tondo, at inaresto sa gawa-gawang kaso ang tatlong aktibistang natutulog sa opisina. Ito ay matapos ang ginawang Halloween raid sa opisina ng mga aktibista sa Bacolod, Negros Occidental na…
Read MoreISINUSULONG NI REP. NOGRALES: ANTI-HAZING LAW AMYENDAHAN NA
Para kay Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles, panahon na upang amiendahan ang Anti -hazing law na inaasahang magiging daan upang tuluyan nang matapos ang kultura ng ‘impunity’ na nakakulapol sa hazing. Sa isinusulong na panukala ni Nograles, nais nitong pananagutin na rin sa batas ang mga biktima na maikokonsiderang kasabwat sa hazing. Paliwanag ng kongresista, maraming mga bagitong sumasali sa fraternity o organisasyon kahit alam naman nilang hahantong rin sa hazing kung kaya’t dapat ding managot ang mga ito sa batas bilang kasabwat. “Sa maraming kaso, ang mga estudyante…
Read More