Upang lalo pang mapataas ang koleksyon ng Bureau of Customs Port of Cebu, pinalakas ng pamunuan nito ang ugnayan sa stakeholders sa Visayas. Isang diyalogo ang isinagawa noong Oktubre 29 sa Cebu City na kung saan dinaIuhan ito ng 40 importers at customs brokers na nakikipag-transact sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo. Partikular na tinalakay sa nasabing okasyon ay ang ‘parcel tracking system, accreditation system and the National Value Verification System’ na ipinaliwanag ni Atty. Jenny Diokno ng Container Control Unit, Lysander G. Baviera ng…
Read MoreAuthor: admin
OCTOBER TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC SUMIRIT
NALAGPASAN ng Port of Subic ang kanilang target collection nitong nagdaang buwan ng Oktubre. Lumitaw na umabot ang kanilang aktuwal na koleksyon sa P2, 557,834,943.48 mula sa kanilang target na P2,257,654,826.00. Katumbas ito 13.30 porsiyentong pagtaas. Ang malaking koleksyon ay resulta na rin ng pagsisikap ni District Collector Maritess T. Martin ng Port of Subic at sa tulong kanyang mga tauhan. (Jo Calim) 368
Read More53 KILOS NG PINATUYONG SEAHORSES NASABAT NG BOC
(Ni Joel O. Amongo) NASABAT ng pinagsanib na mga elemento ng pamahalaan ang 53 kilos ng pinatuyong seahorses mula sa tatlong Chinese nationals sa Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport kamakailan. Batay sa report, nasabat ang kargamento noong Oktubre 8 ng mga kawani ng Bureau of Customs kasama ang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Transnational Aviation Support Services, Inc. (TASSI) and Counter-Terrorist Unit (CTU) na palipad na sana papuntang Macau. Alinsunod na rin ito sa isinagawang physical examination sa pangunguna ni Divina Arreglo, acting…
Read MorePBBTS INILUNSAD NG BOC
OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang Parcel at Balikbayan Box Tracking System (PBBTS) na siyang maghahatid at magsusulong para sa transparency at mapabilis ang kalakalan. Ang pormal na paglulunsad ay isinagawa sa Bureau of Customs (BOC), OCOM Conference Room South Harbor, Manila, noong Oktubre 30. Layunin ng PBBTS, na magkaroon ng mas epektibong tracking parcels at balikbayan boxes at mapadali ang pag-access sa pamamagitan ng BOC website www.customs.gov.ph. Sa naturang sistema, ay makapagbibigay ng updates ukol sa status o kalagayan ng parcel o balikbayan boxes. Daan na…
Read MoreTAGILID PA RIN ANG PRANGKISA NG ABS-CBN SA KAMARA
May anim na panukalang batas na sa renewal ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN ang nakahain sa mababang kapulungan at kabilang sa mga nagsumite ng bill ay sina Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng Batangas at Rose Marie Arenas ng Pangasinan. Sa ilalim ng Republic Act No. 3846, ang mga may-ari ng television at radio stations sa bansa ay kinakailangang kumuha ng prangkisa sa Kongreso bago sila legal na makapag-operate. Ang mga naturang prangkisa ay kailangang i-renew pagkatapos ng 25 taon na siyang buhay ng isang prangkisa. Si Congressman Franz…
Read MoreMOTEL
Minsan sarili mo nang ari-arian ipagkakait pa sa iyo. Ganyan kasaklap ang nararanasan ng mga may-ari ng ilang lupain sa Metro-Manila na naiiskwatan. Kung sino ang may-ari siya pa ang gagastos ng malaking pera mapaalis lamang ang mga nakikinabang sa property na hindi naman kanila. Marami tayong natatanggap na ganyang reklamo, ngunit kakaiba naman ang naisumbong sa atin ng isang mambabasa. Ito naman ay tungkol sa isang matandang nagmamay-ari ng isang gusali sa Siyudad ng Quezon. Ang gusali ay pinauupahan niya ng P500,000 kada buwan sa isang motel. Dahil may…
Read MorePHIVOLCS BINABANTAYAN ANG 2 FAULT SYSTEM SA METRO MANILA
Mga taga National Capital Region (NCR) ang dapat na laging sumunod sa paalala sa kanila ng mga taga local government units na maging laging alerto dahil mayroon po tayong dalawang fault line na sinasabing hinog na at anumang oras ay maaari na itong bumigay. Ayon kay Dr. Arturo Daag, hepe ng Science Research Specialist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, na ang dalawang fault line na binabantayan nila sa Metro Manila ay ang east at West Valley Fault. Ang east valley fault line ay nasa may Montalban…
Read MorePAANO PAGHAHANDAAN ANG LINDOL?
Sa mga naganap na lindol kamakailan sa Mindanao, maraming buhay ang nawala at maraming tao ang nasaktan. Tatlong lindol ang yumugyog nang husto sa lugar na ito. Ang una ay magnitude 6.3 noong Oktubre 16, sinundan ito ng magnitude 6.6 noong Oktubre 19 at ang pinakahuli ay nitong Oktubre 31 lamang na may lakas na 6.5 na lindol. Sa sunud-sunod na pagtalang iyan ay hindi natin talaga dapat balewalain ang lindol. Katunayan ang epekto nito ay ang mas nakatatakot dahil nagpapatuloy ito at matagal na nararamdaman. Kasama na rito ang…
Read MoreRESTRUCTURING NG NHMFC ‘KUMUNOY’ ANG SISTEMA; LAW FIRM MALA-HITLER (PART 2)!
Noong una po pinaalam namin na namayapa na ang aking ina na siyang principal borrower ng aking bahay. Akala ko, pag namatay na ang borrower ay awtomatiko na itong bayad dahil ayon sa paliwanag sa aking magulang kapag namatay raw siya wala na kaming problema dahil nakasaad sa kanilang kontrata na ang mananagot ay ‘yong insurance na, Misyon Aksyon. ‘Yon po palang pamana nila ay sakit ng kalooban at bulsa imbes na tapos na ay lumaki pa ang obligasyon sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa loob ng 25…
Read More