“HIGHLY doubtful”. Ganito inilarawan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang sinseridad ni Senate minority leader at Liberal Party (LP) stalwart Franklin Drilon sa kanyang anti-political dynasty bill. Ayon kay Defensor, kung talagang seryoso ang senador na buwagin ang mga political dynasty ay ginawa na niya ito noong ang kanyang partido ang nasa kapangyarihan. “With all due respect to Senator Drilon, the Liberal Party (LP) firmly controlled both houses of Congress for six years during the Aquino administration, and yet they never bothered to pass the bill seeking to define…
Read MoreAuthor: admin
BULACAN MAGPAPATUPAD NG LOCALIZED LOCKDOWN
BULACAN – Tinalakay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna Gobernador Daniel Fernando at ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Bulacan ang operational guidelines sa pagpapatupad ng zoning containment strategy o ang localized lockdowns sa lalawigan upang makontrol ang pagkalat ng virus sa isinagawang online zoom meeting kasama ang mga kapitan ng bawat barangay sa Bulacan sa Fransisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan. Ayon kay DILG Provincial Director Darwin David, pagtutuunan ng pansin ng zoning containment strategy ang mga lugar na tinutukoy bilang critical…
Read More2 DRUG PUSHERS, PATAY SA BUY-BUST
QUEZON – Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay sa anti-illegal drugs operation ng PNP sa bayan ng Lucban sa lalawigang ito, nitong Sabado ng madaling araw. Kinilala ni Quezon Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo ang mga napatay na sina Rex Carubio, 39, at Philip Natividad, 44, parehong taga Muntinlupa City. Batay sa report, isinagawa ng mga tauhan ng Lucban Police ang buy-bust operation sa Diversion road, Barangay Kulapi dakong alas-12:30 ng madaling araw. Matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer mula sa mga suspek, nakatunog umano…
Read MoreTERORISTA SA CALABARZON NAGBALIK-LOOB SA GOV’T
LAGUNA –Sumuko ang 131 miyembro ng communist terrorist group o CTG, sa gobyerno at iniharap kay Philippine National Police chief, Gen. Archie Gamboa sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Bitbit ang kanilang mga armas, sumuko ang mga rebeldeng miyembro ng Militiang Bayan na kabilang sa grupo ng Dumagat/Remontado Indigenous People sa lalawigan ng Rizal at Quezon. Kabilang din sa mga sumuko ang mula sa sektor ng mga manggagawa sa lalawigan ng Laguna kabilang ang mga dating miyembro ng “Pagkakaisa ng Manggagawa sa…
Read More44 BARIL NAGLAHO SA BATANGAS POLICE STATION
BATANGAS – Umaabot sa 44 surrendered firearms ang hinihinalang ninakaw makaraang maglaho ang mga ito sa safety deposit cabinet ng Tanauan City Police Station sa lalawigang ito. Batay sa report ng pulisya, isang miyembro ng Tanauan police ang hinihinalang responsable sa pagkawala ng nasabing mga baril. Ang nawawalang mga baril ay nakadeposito sa police station matapos boluntaryong isuko ng mga gun holder na sumailalim sa kampanya ng PNP hinggil sa loose firearms. Noong nakaraang Hunyo 8 pa nadiskubre ng dalawang custodian ang pagkawala ng mga baril mula sa safety cabinet.…
Read MoreKARNAP NA MOTORSIKLO NABAWI DAHIL SA FB
CAVITE – Pinaghahanap ng mga tauhan ng Cavite Police ang taong nagbenta ng isang nakaw na motorsiklo makaraang arestuhin ang tatlong kalalakihan na nag-post ng nasabing sasakyan sa Facebook para ibenta ito ngunit nakilala ng tunay na may-ari na naninirahan sa bayan ng Indang sa lalawigang ito. Unang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Fencing Law ang arestadong mga suspek na sina Aries Poblete, 33; Miggie at Sherwin, kapwa 17-anyos at estudyante, dahil sa reklamo ni Louis Matthew Ambita, 21, pawang ng Indang, Cavite. Ayon sa reklamo ni Ambita kay P/SMSgt.…
Read More1 PATAY, 2 SUGATAN SA LASING NA DRIVER
CAVITE – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang pasahero nito at isang pedestrian makaraang araruhin ng isang lasing na driver ng kotse sa Bacoor City sa lalawigang ito Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driver ng tricycle na nalagutan ng hininga makaraan ang insidente habang nilalapatan ng lunas sa Imus Medical Center ang pasaheo nitong si Rodora Enriquez, 53, at pedestrian na si Angelo Lacson, 31, kapwa ng Bacoor City. Kinilala naman ang driver ng Honda Civic Sedan na may plakang NBD 746, na si Igie Lou Silvela ng…
Read MoreLOLONG OBRERO, NALIBING NANG BUHAY
CAVITE – Bangkay na nang mahukay ang isang 66-anyos na senior citizen makaraang matabunan sa hinuhukay na drainage sa isang construction site sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Joel Andico, may asawa, ng Naic, Cavite, at nagtratrabaho sa MRS Construction Company. Sa ulat ni P/MSgt. John Paulo Mellona ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga noong Huwebes nang mangyari ang insidente. Naghuhukay umano ang biktima ng drainage kasama sina Eduardo Crema at Alvin Ibasco sa Brgy. Palangue 3 sa Naic nang bumigay ang…
Read More87 ANYOS NA LOLA PATAY SA PILA SA AYUDA
BACOLOD City – Isang octogenarian na lola ang namatay habang nakapila para kumuha ng ayuda sa Barangay Villamonte sa lungsod na ito, noong Huwebes, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Bigla na lamang umanong hinimatay ang biktimang si Aurelia Magbanua, residente ng Purok Sabes, habang nasa loob ng gym ng nasabing barangay kaugnay sa ayuda ng pamahalaan para sa mga apektado ng coronavirus pandemic. Lumabas sa pagsisiyasat, masaya umano ang biktima nang magtungo sa gym para kumuha ng ayuda ngunit habang nasa loob ng palaruan ay bigla na lamang itong nawalan…
Read More