AREA SA VALENZUELA, 16-DAY LOCKDOWN

ISASARA sa loob ng 16-araw ang Bagong Kaunlaran compound sa Brgy. Paso De Blas, Valenzuela City mula ngayong Hulyo 25 matapos na halos 50 porsiyento ng mga residente rito na nagpa-swab test ay magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Simula alas-12:00 ng madaling araw ngayong Sabado hanggang alas-11:59 ng gabi sa Agosto 9 ay ipatutupad ang unang lockdown sa lungsod, ayon kay Mayor Rex Gatchalian. Sa nasabing panahon, walang papayagang makapag-labas masok sa lugar ngunit pinagkalooban naman ng sapat na oras ang mga residente upang asikasuhin ang mga pangangailangan bago isara…

Read More

TSUPER, OPERATOR NG PASAWAY NA BUS IPATATAWAG NG MMDA

IPATATAWAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operator at driver ng bus na nakuhanan ng video habang humaharurot sa EDSA bus lane. Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, mahaharap sa parusa ang driver at operator ng bus. Natukoy ang sangkot sa insidente na isang Joanna Jesh Transport bus na may plakang CAP-5133, Ayon pa kay Garcia, nakipag-ugnayan na sila sa LTFRB para maisyuhan ng show cause order ang operator ng bus at upang makilala ang driver nito. Base sa viral video, nakuhanan ng dash cam ang humaharurot na…

Read More

BIGTIME PUSHER NALAMBAT SA PASAY

NASAMSAM kahapon ng umaga ang halos isang milyong pisong halaga ng shabu laban sa isang bigtime tulak sa buy-bust operation sa Brgy. 51, Zone 8, Pasay. Sa impormasyon mula kay Southern Police District Director PBGen. Emmanuel B. Peralta, nasamsam sa operasyon ang 136.94 gramo ng shabu na may halagang P931,192.00 street value. Positibong kinilala ni PBGen. Peralta ang dinakip na suspek na si Nicole Lim, alyas Cocoy, residente ng No. 2164 P. Dan Dan St., Brgy. 51 Zone 8, Pasay City, na kabilang sa Drug Watchlist ng Pasay City Police…

Read More

May cellphone, walang ka-text LALAKI NAGBIGTI

NANINIWALA ang mga kaanak ng 29-anyos na lalaki na naaburido ito kaya nagawang bigtihin ang sarili sa kanilang bahay sa lalawigan ng Guimaras. Kinilala lamang ang biktima sa alyas Toto, residente ng Maabay, Sibunag, Guimaras. Ayon kay PSSg. Goldmar Monreal, imbestigador ng Sibunag Municipal Police Station, nadatnan ng kanyang kapatid ang biktima na nakabitin sa biga ng kanilang bahay gamit ang lubid. Kuwento ng kapatid, umalis silang mag-ama kaya naiwang mag-isa si Toto sa bahay. Nang umuwi ay nabungaran na nilang nakabitin ang biktima. Nadatnan din umano nilang wasak ang…

Read More

PULIS NAGHAMON NG AWAY, PATAY

PATAY ang isang pulis na nanghiram umano ng tapang sa alak matapos mabagok ang ulo sa semento nang sugurin ang kanyang mga kaanak at hinamon ng away, iniulat ngayong umaga sa Tuguegarao City. Aksidente ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ni PSG Ronnie Ferdinand Paguirigan, 34, nakatalaga sa Regional Administrative, Records and Management Unit ng PNP Region 2 at residente ng nasabing lugar. Sa kabila nito, iniimbestigahan ng pulisya ang mga kaanak ng biktima na sina Jonel Liggayu at Reymund Paguirigan upang matiyak na aksidente ang pangyayari. Ayon kay PLT Franklin…

Read More

Lalaki pinagbabaril sa inuman KAMPAI SA KAMATAYAN

HINDI na muling makakasama ng kanyang mga katropa sa inuman ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin habang hawak pa ang baso ng alak, iniulat kaninang umaga sa Camarines Sur. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alex Iglesia, 39-anyos, residente ng Iriga City. Batay sa report ng Iriga Municipal Police Station, naglatag ng mesa sa labas ng bahay ng biktima at doon sila nag- inuman ng mga kaibigan. Ngunit habang tumatagay, dumating ang salarin na nakasuot ng bonnet at pinagbabaril ang biktima. Wala namang nasaktan sa mga kainuman nito. Iniimbestigahan…

Read More

Gov’t dapat mag-invest sa edukasyon sa pamamagitan ng episyenteng internet connectivity – Rep Defensor GOV’T FUNDING SA ‘MISSIONARY CELL SITES’ ISINUSULONG NG SOLON

DAPAT mag-invest ang pamahalaan sa youth education sa pamamagitan ng episyenteng internet connectivity, ayon kay Anakalusigan party-list Rep. Mike Defensor. Sinabi ni Defensor na sa mga panahong ito kung kailan nagiging pangangailangan na ang digital media upang mapagtagumpayan ang nagpapatuloy na banta ng COVID-19, ang internet services ay hindi dapat na tinatamasa lamang ng privileged class sa urban centers. “Internet connectivity must also be efficient in the so-called missionary areas so that students in far-flung areas will not be left behind in the hybrid classes being introduced by the education…

Read More

CRIME RATE SA PINAS BUMAGSAK NG 52 PERCENT

PATULOY ang naitatalang pagbaba ng crime rate sa Pilipinas sa gitna ng ginagawang dahan-dahang pagpapagaan sa ipinatutupad na community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa base sa datos ng Philippine Natinal Police. Ayon sa hawak na statistic ng PNP nitong nakalipas na 113 araw na pag-iral ng community quarantine, bumaba ng 52 percent ang crime rate sa bansa kumpara sa nagdaang 113 days bago ang pananalasa ng coronavirus disease 2019. Inihayag ni Joint Task Force COVID-19 Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na siya ring pinuno ng PNP for…

Read More

STRATEGY KONTRA COVID-19 PINABABAGO

NANGANGAILANGAN na ng isang komprehensibong tugon para sa kalusugan ng publiko sa halip na ituloy ang kasalukuyang mabibigat na pamamaraan. Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros kung saan ang pandemya ng COVID-19 ay una at pangunahin sa isang krisis sa kalusugan sa publiko. “We need to rethink our militaristic and police-centered approach to the problem”, aniya matapos magtala ang Department of Health [DOH] kahapon ng 2,539 confirmed cases, pinakamalaking pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases na ngayon ay may kabuuang 50,000 na. “This is an alarming update that needs…

Read More