INALOK umano ng P200 milyon ng nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kapalit ng boto nito pabor sa prangkisa ng nasabing network. “More than two weeks ago, may tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng 200 Million pesos. Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko,” ani Yap. “Nilabas ko ba sa media? Hindi. Dahil hindi tayo sigurado kung emisaryo nga ng ABS-CBN yun at unfair naman na malalagay sa alanganin…
Read MoreAuthor: admin
COVID-19 kumalat sa probinsya RAPID TEST SA LSIs SABLAY
HINDI lang sa rapid test dapat isailalim ang mga Local Stranded Individual (LSI) kundi sa confirmatory polymerase chain reaction (PCR) bago payagan ang mga ito na bumalik sa kanilang probinsya. Ito ang panawagan ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa Inter-Agency Task Force (IATF) COVID-19 matapos lumala ang kaso ng virus sa mga probinsya nang pauwiin ang mga LSI. Ayon sa mambabatas, maraming LSIs ang nagnegatibo sa rapid test test subalit pagdating sa probinsya ay nagpositibo ang mga ito sa COVID-19 matapos sumailalim sa CPR. “There have been cases where…
Read MoreApela sa PECO ng Iloilo mayor, solon ILONGGOS ‘WAG LITUHIN
MISMONG mga opisyal na ng Iloilo City sa pangunguna nina Mayor Geronimo Treñas at Iloilo Rep. Julienne Baronda ang kumastigo sa Panay Electric Company (PECO) sa ginagawa umanong panlilito sa mga consumer sa usapin ng Electricity Distribution System sa lalawigan. Ayon kina Baronda at Treñas, may nakabinbin na petisyon sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang legalidad ng ginawang pag-takeover ng More Power and Electric Corp (More Power) bilang Distribution Utility sa Iloilo, ito umano ang dapat hintayin na lamang ng PECO sa halip na magbigay ng mga mali-maling impormasyon sa…
Read More4 PANG STAFF NG SENADOR, POSITIBO SA COVID-19
APAT pang staff ng mga senador ang nadagdag sa talaan ng mga nagpositibo sa COVID-19 matapos silang sumailalim sa testing. Sa zoom interview ng Senate Media, kinumpirma ni Senador Migz Zubiri na apat na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kasama na ang isa sa kanyang staff gayundin ang isang tauhan ni Senador Nancy Binay. Kasabay nito, kinumpirma ni Senate Secretary, Atty. Myra Villarica na naka-quarantine na ang mga staff habang ini-lockdown ang mga tanggapan nina Binay at Zubiri batay sa rekomendasyon ng kanilang Medical and Dental Bureau. Muli namang…
Read MorePPEs, PAGKAIN IDO-DONATE SA CEBU
PORMAL nang tinanggap ni Senador Cynthia Villar ang donasyong protective materials at food supply mula sa Philippine Fujian General Youth Association, Inc. bilang suporta ng mga ito sa relief operation ng mambabatas sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sa pahayag, pinangunahan ang donasyon ni James Go, presidente ng grupo ang pag-aabot ng mahigit 600 cup noodles, 21,000 face masks, dalawang galon ng alcohol, dalawang galon ng disinfectant at electric sprayer. Ayon kay Villar, namuno sa pagsisikap ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) para tulungang mabawasan ang…
Read More75K OFWs NA NAWALAN NG TRABAHO, NAKAUWI NA
UMABOT na sa 75,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang nakabalik na ng kani-kanilang mga lalawigan. “‘Yung sa ating mga overseas Filipinos na dumarating galing sa ibang bansa na wala nang trabaho, sa ngayon ay meron tayong naibalik sa mga probinsiya na 75,895. So wala na tayong backlog ngayon,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza, pinuno ng National Task Force Against COVID-19. Sinabi rin nito na ang pagpapauwi sa 5,000 Filipino mula Sabah, Malaysia ay nagpapatuloy. “Yung mga Filipino sa Sabah, gustong ibalik…
Read More12M TINAMAAN NG COVID-19
HALOS 12 milyon na ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Base sa pinakahuling datos, pumalo na sa 11,941,783 ang global cases ng COVID-19. Kasunod ito ng mahigit 200,000 na bagong kasong naitala sa magdamag. Amerika pa rin ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa mahigit 3,097,000. Sa magdamag ay mahigit 55,000 ang naitalang bagong kaso sa US habang sa Brazil ay nakapagtala ng mahigit 48,000. Ang India na pumapangatlo sa may pinakamaraming kaso sa mundo ay nakapagtala naman ng mahigit 23,000 bagong kaso. 120…
Read MorePamamaslang kinondena ng IBP-QC PULISYA BLANGKO SA KILLER NG PISKAL
BLANGKO pa ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng may-ari ng Mitsubishi Montero na ginamit sa pagpaslang kay Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados sa panulukan ng Quirino Highway at Anakbayan St. sa Paco, Manila noong Martes ng umaga. Ayon kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang plate number ABG #8133 na nakakabit sa nasabing SUV ay orihinal na nakarehistro sa isang Honda City, ayon sa isinagawa nilang beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO). Dahil dito, patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon sa mga nakasaksi sa krimen…
Read MoreMAG-AMA ARESTADO SA PAGPATAY
ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest, ang isang mag-ama na sangkot sa pagpatay, sa Las Piñas City nitong Miyerkoles ng umaga. Nabibilang sa top 1 at top 2 most wanted personality ang mag-amang sina Michael Poche, 30, jobless, at Nolie Poche, 57, foreman, kapwa nanunuluyan sa Christian Executive Village, Barangay Talon Singko sa nabanggit na lungsod. Batay sa ulat na nakarating na kay P/Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD-Malate Police Station 9, bandang alas-8:30 ng umaga nang maaresto ang mag-ama…
Read More