UMAPELA ang Philippine National Police (PNP) na maging maingat sa paglalabas ng mga impormasyon kaugnay sa isinagawang pagsalakay sa isang POGO sa Las Piñas noong nakaraang linggo. Ayon sa pulisya, maaaring lumalabag na sa batas ang mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa raid. Sa isang pahayag, binigyang diin ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan ang kahalagahan ng responsableng pagpapakalat ng impormasyon. Pinayuhan naman ni BGen. Maranan ang publiko na umasa lang sa beripikadong impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source. Itinanggi rin ni Maranan ang…
Read MoreAuthor: admin 4
Sa gitna ng pagdami ng nalululong na kabataan PAGTATAAS NG BUWIS SA VAPE ITINULAK
PANAHON na para palobohin pa ang buwis sa e-cigarette o vape dahil maraming kabataan ang nalululong dito. Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes, base sa 2019 Global Youth Tobacco Survey (GYTS) na nirelease noong 2021, 14.1 percent sa mga ‘school-aged children” ay gumagamit ng vape. Nangangamba ang mambabatas na nadagdagan pa ang bilang ng mga kabataang nalulong sa vape sa nakalipas na tatlong taon dahil dumami rin ang mga nagtitinda nito. “It is very alarming that more and more Filipino youth are using vape and e-cigarettes. Increasing taxes on…
Read MoreSTAKEHOLDERS, IMPORTERS SA BOC-POS PINULONG PARA SA MATIBAY NA PARTNERSHIP
DUMALO si District Collector Carmelita M. Talusan sa BOC-Port of Subic Town Hall Meeting noong Hunyo 13, 2023, kung saan nagtipon ang stakeholders at importers upang talakayin ang mahalagang mga paksa, pagtibayin ang pagsasama-sama at palakasin ang partnership. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Talusan, “BOC-Port of Subic will focus to foster a culture of excellence, transparency, and efficiency. Our goal is to enhance trade facilitation while ensuring compliance with customs regulations. We will streamline processes and collaborate with stakeholders to simplify procedures, reduce processing times, and improve overall efficiency.” Binigyang-diin…
Read MorePHIL. CUSTOMS LAB SUSUGPO SA TECHNICAL SMUGGLING – BOC
MULING inihayag ng Bureau of Customs (BOC), sa kooperasyon ng Korea International Cooperation Agency (KOICA, ang kanilang pangako na muling buhayin ang Philippines Customs Laboratory (PCL). Ang inisyatibong ito ay naganap sa five-day program sa isinagawang Capacity Building on Customs Laboratory Processes mula Hunyo 19 hanggang 23, 2023. Ang programang ito ay magkakasamang inorganisa ng KOICA, Korea International Cooperation Services, Korea Central Customs Laboratory (KCCL), at Korea Customs Service sa ilalim ng International Cooperation Program of the Government of Korea. Mainit na sinalubong sina Mr. Sanggeum Kim, Assistant Country Director,…
Read More2 BATAS VS SMUGGLING BALEWALA SA SMUGGLERS?
SA kabila ng mahigpit na border protection na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC) at ng 17 district collections nito sa iba’t ibang lugar sa bansa ay marami pa rin ang pumapatol sa smuggling. Bakit kaya? Dahil ba walang naparurusahan o mahina ang batas? Kung pagbabasehan ang Republic Act No. 4712 na ipinasa noong June 18, 1966, ‘AN ACT AMENDING CERTAIN SECTIONS OF THE TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES,’ papatawan ng multa at pagkakakulong ang lalabag dito. Narito ang isang bahagi ng parusa, 5. “The penalty of prison…
Read MoreDRIVER NAAKSIDENTE NA, TIMBOG PA SA SHABU
BATANGAS – Dobleng kamalasan ang inabot ng isang lalaki nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa isang sasakyan at mahulihan pa ng ilegal na droga sa Lipa City noong Lunes. Ayon sa report ng Lipa City Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang sumalpok ang kotseng minamaneho ni Marvin Inciong sa isang nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada sa Templo Ave. Brgy. Banay-Banay, Lipa City. Subalit habang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Lipa City Police, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang sling bag sa loob ng kotse na naglalaman ng 5…
Read MoreARESTADO SA DROGA, PATAY SA ATAKE SA PUSO
LUCENA CITY – Patay ang isang umano’y drug personality nang atakihin sa puso matapos arestuhin sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA at Quezon PNP sa Barangay 5 sa lungsod na ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), mag-aalas-otso ng gabi, isinagawa ng mga tauhan ng Intel/DEU ng Lucena Police Station, kasama ang iba pang mga operatiba mula sa PDEA 4A, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon, at RIU 4A Quezon PIT, ang buy-bust operation na nagresulta sa…
Read MoreTOP 4 MWP SA MAYNILA, TIMBOG SA BULACAN
INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 41-anyos na dalaga dahil sa kalakaran ng ilegal na droga, nang matunton ito sa Marilao, Bulacan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jonalyn Pamintuan”, nanunuluyan sa Marilao, Bulacan. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Marilao, Bulacan. Hindi nakapalag ang suspek nang isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Juliet Azarra…
Read MoreBABAENG TULAK ISINELDA SA P.5-M SHABU
MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District sa isang babaeng umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation noong Lunes ng gabi sa Carlos Palanca Sr. Street, Barangay 647, San Miguel, Manila. Kinilala ang suspek na si Lalain Kusain, 32-anyos, dalaga, tubong Maguindanao City, jobless, at residente ng Sucat, Parañaque, City Ayon kay Police Lieutenant Roberto Mupas, commander ng MPD- Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:40 ng gabi nang isagawa ang nasabing…
Read More