P1.794-M SHABU NAHARANG NG BOC-CLARK

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark sa pamumuno ni District Collector Ricardo Uy Morales II, noong Hunyo 26, 2023, ang isang export shipment na naglalaman ng P1.794-milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu, papuntang South, Korea. Ang nasabing nadiskub­reng illegal drugs ay isang shipment na idineklara bilang “used MI smart speaker” na ipinadala mula Pasig City. Inisyal itong itinag bilang kahina-hinala ng X-ray Inspection Project (XIP) personnel, ngunit makaraang isalang sa K9 Unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagpositibo…

Read More

CANADIAN PASSENGER HULI SA P48.6-M SHABU SA NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang Canadian passenger na nagtangkang magpuslit ng P48.6 milyong halaga ng shabu na idineklara bilang Truffle chocolate balls, sa kanyang check-in baggage. Nabunyag din na ang naarestong courier ng illegal drugs ay nagmula sa Mexico, at dumating sa NAIA Terminal 1 noong Hunyo 29, 2023 mula Narita, Japan via Japan Airline Flight No. JAL741. Ang passenger check-in…

Read More

Unang taon puro band-aid solutions BONGBONG BAGSAK SA MGA EKONOMISTA

NABIGO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isakatuparan ang pagsusulong ng game-changing economic reforms sa unang taon niya sa puwesto. “Having used band-aid solutions to deal with persistent food shortages and spiraling prices,” ayon sa mga ekonomista. “Mr. Marcos is unlikely to undo decades of neglect in the agriculture sector with unsustainable policies such as food caravans for the poor and easing import restrictions, while the country faces a widening funding gap,” dagdag na pahayag ng mga ito. Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tinitiyak ng gobyerno…

Read More

Pandodorobo sa P50-M pondo ng DOT binisto MARCOS INIPIT NI SORIANO?

MISTULANG dinorobo ang kaban ng bayan sa paggastos ng halos P50 milyon para sa kontrobersyal na tourism campaign ng gobyerno na “Love the Philippines”. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, sa manipulasyon umano ni Paul Soriano ay mistulang naipit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya lumusot ang palpak na tourism slogan. Si Soriano ay pamangkin ni First Lady Liza. Inaanak din ni Marcos sa kasal ang mag-asawang Paul at Toni Gonzaga. Sa Facebook post ng media influencer na si Sass Sasot, binuking nito na apat sa mga ipinakitang video clip…

Read More

Mga kakumpetensya pinahuhuli EX-COMELEC OFFICIAL, GABINETE NI BBM NASA LIKOD NG POGO RAID

KUMPETISYON sa negosyo ang tunay na motibo sa likod ng pagsalakay sa POGO hub sa Las Piñas City noong isang linggo kung saan may mga nasugatan umanong dayuhan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, ayaw ng isang dating mataas na opisyal ng Comelec, isang gabinete ng Marcos administration at business partner ng mga ito na nagngangalang “Robert” na maapektuhan ang kanilang POGO operations kaya nila pinahuli ang kanilang mga kakumpetensya. Ayon pa sa impormante, ang POGO operations ng mga nabanggit ay matatagpuan sa isang gusali sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.…

Read More

P40 WAGE INCREASE SA NCR KULANG – ACT CIS

HINDI sapat ang P40 daily wage increase ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) kumpara sa mataas na pamumuhay o “high cost of living” ngayon sa Metro Manila. Ito ang pahayag ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang media interview. Ani Tulfo, “kulang ang umento kasi hindi nga sasapat na pambili ng isang litro ng gasolina ang P40 kung nagmomotor yung manggagawa araw-araw”. Dagdag pa ng bagong miyembro ng ACT-CIS Party-list, “pero siyempre tinignan din siguro ng National Wage Board ang kakayahan ng mga employer kung hanggang magkano lang…

Read More

ROMUALDEZ: MGA BATAS NA LILIKHA NG TRABAHO, NEGOSYO INAAPURA SA KONGRESO

MINAMADALI ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas na makalilikha ng marami pang negosyo para makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. Ito ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pagpupulong. Ayon kay Speaker Romualdez, “pinapabilisan ko na ang pagpasa ng mga batas para sa mas madaling pagbubukas ng mga negosyo dito sa atin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga “lagayan” at sangkaterbang requirements o “red tape”. “Dito nahihirapan at nate-turn off ang mga negosyante at mga mamumuhunan sa bansa,” pag-amin ni Romualdez. Ayon pa sa…

Read More

PAGPAPATUPAD NG GUN BAN NAIS BUSISIIN NI ROBIN

NAIS ni Senador Robin Padilla na busisiin sa Senado ang lohika ng pagpapatupad ng gun ban na saklaw ang mga gunowners na tumatalima sa lahat ng regulasyon para sa pagdadala ng armas. Sinabi ni Padilla na tatanungin niya ang Commission on Election kung bakit kailangang ang mga responsible gun owners ang apektado ng gun ban habang ang mga kriminal ay malayang nakakagamit nito. “Meron din isa pang hakbang tatanungin din natin bakit kapag election bakit gun ban at pinahihirapan ang mga legal gun holder pero ang mga kriminal sila ang…

Read More

BINATA INARESTO SA PANANAKSAK

NAHAHARAP sa kasong frustrated homicide ang isang binata matapos madiskubreng sinaksak nito ang kasama sa inokupahang kwarto ng hotel sa Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila, Sabado ng umaga. Bandang alas-9 ng umaga na nitong Linggo nang maiulat ang insidente matapos madakip ang suspek na si Carlo Oblimaga, 26-anyos, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat, tinangkang pigilan ng security guard ng hotel si Oblimaga na tangkang tumakas kaya nagkaroon ng komosyon. Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Gandara Police Community Precinct, sakop ng Binondo…

Read More