Taguig welcomes Makati’s recognition of the finality of SC ruling, intends to work for coordinated transition. After stubbornly refusing to concede on the finality of the Supreme Court’s decision to transfer the jurisdiction of 10 barangays to Taguig City, the Makati City Government finally declared it would respect the decision. Makati Mayor Abby Binay made the statement weeks after the Supreme Court rejected Makati’s omnibus motion asking the highest court to allow it to file a second motion for reconsideration. The said motion effectively told the court to repudiate its…
Read MoreAuthor: admin 4
3 ‘PALSIPIKADOR’ TIMBOG SA TONDO
ARESTADO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District ang tatlong umano’y mga palsipikador ng mga dokumento, sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Unang isinilbi ang warrant of arrest sa isang Kino Hero, 30, ng Barangay 227, Zone 21, Tondo, na inaresto dakong alas-6:50 ng gabi Sa F. Yuseco St. at Dagupan Extension sa Barangay 155 sa Tondo. Pangalawang nadakip ang suspek na si Renz Makuha, 20, ng Barangay 182, Tondo, nang mamataan ito dakong alas-7:30 ng gabi sa…
Read MoreP448K DROGA NASABAT SA BUY BUST
CAVITE – Tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam sa arestadong apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Dasmariñas City at Bacoor City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Norjanah Almasin y Panabuan, nasa hustong gulang; Mark Anthony Delos Santos y Dangkalan, 37, at ang sinasabing maintainer ng drug den na si Ian Kenneth Daraman y Fernandez, 33, at Vincent Rivas, 20-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-5:40 ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga…
Read MoreMGA BALA, BARIL NAKUMPISKA SA CAVITE
CAVITE – Samu’t saring mga baril at bala ang nasamsam sa isang 26-anyos na lalaki sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito sa Imus City noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Adriane Carl Calimlim y Gonzales, residente ng Brgy. Mariano Espeleta 3, Imus City. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Arvin Balbuena ng Imus City, dakong alas-12:28 ng hapon, nagsagawa ang pinagsanib na pwersa ng Police Provincial Intelligence Unit (PIU), lead unit, at mga operatiba ng Imus City Police, ng operasyon sa bisa ng search…
Read MoreMabagal na daloy ng lava, patuloy 267 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MAYON
TINATAYANG umabot sa 267 volcanic earthquakes at mabagal na pagdaloy ng lava ang naitala sa Mayon sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan. Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakataas sa alert level 3 ang paligid ng Bulkang Mayon at namataan ang bahagyang pamamaga nito. Ayon sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa anim na kilometrong radius na Permanent Danger Zone (PDZ). Sinabi pa ng ahensya, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang uri ng sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng…
Read More2-ANYOS PASLIT SINAKAL NG INANG ADIK
CAVITE – Hinihinalang dahil lango sa ilegal na droga kaya sinakal ng isang ina ang kanyang 2-anyos na anak na nagresulta sa kamatayan nito sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Nasa kustodiya na ng Bacoor City Police si Rhina Maninang y Solis, 25, may live-in partner, ng Brgy. Talaba l, Bacoor City, ang suspek sa pagpatay sa 2-anyos niyang anak na lalaki. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Kenneth Casaman ng Bacoor City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-ina sa Brgy.…
Read MoreMGA NABIKTIMA NG 5 PULIS MAYNILA PINALULUTANG
NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang naging biktima ng limang pulis-Maynila na lumutang at maghain ng kaso. Ito ang apela ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, makaraang sumuko kamakalawa ng gabi kay PAOCC Chairperson Usec. Gilbert Cruz ang mga inirereklamo na kinilalang sina P/SSg. Ryan Paculan, P/SSg. Jan Erwin Isaac, P/Cpl. Jonmark Dabucol, Pat. Jeremiah Pascual, at Pat. Jhon Lester Pagar. Agad ding iniharap ang mga ito kay PNP chief, Police Gen. Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Fajardo, dapat makipag-ugnayan sa mga awtoridad ang mga…
Read More3 TIMBOG SA DROGA
BAGSAK sa selda ang isang 43-anyos na ginang na umano’y tulak ng ilegal na droga, at nadamay ang dalawang iba pa, sa inilatag na buy-bust operation sa Arellano Avenue, malapit sa Zobel Street, Malate Manila, nitong madaling araw ng Miyerkoles. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang target sa operasyon na si Analyn Sicat, ng Honorio Lopez Street, Balut Tondo, Manila. Timbog din sa operasyon sina alyas “Edwin”, 47, at alyas “Monching”, 35-anyos. Base sa ulat ni Police…
Read MoreP750 MINIMUM WAGE, GIIT NG WORKERS
IGINIIT ng grupo ng mga manggagawa sa isinagawa nilang kilos-protesta noong Martes ng umaga sa Mendiola Bridge sa San Miguel, Manila, ang P750 minimum wage sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Ito ay makaraang ipatupad ng gobyerno ang dagdag sa minimum wage sa NCR na halagang P40 lamang. Pagkaraan ng isinagawang kilos-protesta ay payapa namang nilisan ng mga raliyista ang nasabing lugar. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police district- Barbosa Police Station 14, kabilang sa mga nagtipon-tipon sa nabanggit na lugar ang mga…
Read More