MGA NABIKTIMA NG 5 PULIS MAYNILA PINALULUTANG

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang naging biktima ng limang pulis-Maynila na lumutang at maghain ng kaso.

Ito ang apela ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, makaraang sumuko kamakalawa ng gabi kay PAOCC Chairperson Usec. Gilbert Cruz ang mga inirereklamo na kinilalang sina P/SSg. Ryan Paculan, P/SSg. Jan Erwin Isaac, P/Cpl. Jonmark Dabucol, Pat. Jeremiah Pascual, at Pat. Jhon Lester Pagar.

Agad ding iniharap ang mga ito kay PNP chief, Police Gen. Benjamin Acorda Jr.

Ayon kay Fajardo, dapat makipag-ugnayan sa mga awtoridad ang mga nabiktima para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Base umano sa kanilang intelligence report, dalawa sa limang pulis ang mayroon nang kinasangkutang kaso.

Magugunitang dahil sa akusasyon sa limang pulis na nagtago matapos ireklamo ng robbery extortion ng may-ari ng sinalakay na computer shop, ay sinibak din ang lahat ng mga pulis sa Manila District Police Intelligence Operations Unit, kasama ang kanilang pinuno bilang bahagi ng ‘command responsibility’.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng restrictive custody ng MPD ang mga pulis na isinuko na rin ang kanilang armas.

Nanindigan naman ang limang pulis na wala silang kasalanan nang humarap sa media kahapon.

Sinabi ng mga suspek na boluntaryo silang sumuko para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila.

(JESSE KABEL RUIZ)

391

Related posts

Leave a Comment